Chapter 17

20.9K 570 9
                                    

KABANATA XVII

[JIRSTEN MYLES]

“Owen, hindi kita maintindihan? S-Si mama–”

I groaned when he suddenly pushed me away. Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya. Pulang pula ang mata niya at halatang nagpipigil ng galit.

“A-Anong nangyayari?” pag-uulit ko.

Napatiim-bagang siya. “Are you saying wala kang alam?!”

“Kaya nga ako nagtatanong, hindi ba?!” nadadala na rin ako ng emosyon ko.

He turned back and cussed before he faced me again. He gritted his teeth again. Ilang segundo siyang na tahimik bago niya ako sagutin.

“Itinakbo ng mama mo ang pera ng kompanya,” madiin at galit na sabi niya.

Nanlaki naman ang mata ko. Parang nabingi ako sa sinabi niya.

“S-Sinungaling...”

“Then, where is your mom?” sarkastikong tanong niya.

Ramdam kong nagsisimulang manginig ang katawan ko. Wala ako sa sariling nagtungo sa silid nina Mama. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Owen.

N-No, imposible na gawin iyon ni mama. Hindi niya magagawa iyon.

Bumagsak ako sa sahig nang makitang walang laman ang closet ni Mama.

“H-Hindi totoo ito,” wala sa sariling sabi ko. Agad akong tumayo, humarap kay Owen at hinawakan ang kamay niya. Ilang beses akong napailing.

“S-Sabihin mo, nagsisinungaling ka Lang, hindi ba?”

Napasinghap ako nang hawakan niya ng mahigpit ang magkabila kong braso.

“Face the truth, itinakbo ng mama mo ang pera ng kompanya!”

Bumagsak ako sa kama nang itulak niya ako rito.

“You’re not leaving this house. Who knows if you run away after this with your whore mother?”

Ramdam ko ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko nang isarado niya ang pinto.

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala. I just found myself sitting on the floor while leaning at the edge of the bed. I felt numb. Pagod na rin akong umiyak.

Mabilis akong na-alarma nang marinig ang pagtunog ng phone ko. Nagmadali akong kinalkal ang bag ko hanggang mahanap ko ang phone ko. Hindi nga ako nagkamali, si mama ang tumatawag.

“M-Ma,” mahinang pagtawag ko sa pangalan niya.

“N-Nasaan ka? Inatake s-si tito sa puso. Umuwi ka na.”

Hindi ko kayang magsalita ng matino. Halos piyok na ang boses ko at tanging bulong lang ang nakakaya.

“H-Hindi pwede, Jirsten. H-Hindi na ako pwedeng bumalik,” she stuttered.

“W-Why? Sabihin mong hindi totoong itinakbo mo ang pera. M-Ma, parang awa mo na. Bumalik ka na dito.”

“A-Anak, babalikan kita. Pangako iyan.”

Halata sa boses ni mama na nanginginig na rin.

“M-Ma, please!” Kahit wala na akong boses ay nagawa kong sumigaw.

“H-Hindi ako pwedeng bumalik! Kapag bumalik ako, siguradong makukulong ako. Babalikan na lang kita, J-Jirsten. Pangako iyan–”

“Mahal! Ano pa ang hinihintay mo! Maiiwan na tayo ng bus!”

The Mistress's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon