Chapter 03

29.6K 731 3
                                    

KABANATA III

[THIRD PERSON]

“Oliver, this is my daughter, Jirsten. Jirsten, si Oliver, ang bagong tatay mo,” pakilala ng ina ni Jirsten sa kanilang dalawa.

Wala man lang sa tono ang pagsasalita ng ina. Hindi naman kasi ito sanay mag-english. Ewan lang niya kung bakit nagsasalita na ngayon ng wikang ingles ang ina.

Matagal man silang magkalaguyo ng ina ay masasabi niyang ngayon lang niya nakaharap ng masinsinan ang nobyo nito. Hindi naman kasi ito dumadalaw sa condo unit na ibinigay sa kanila. Sa tuwing naiisipan nilang magtagpo ay sa labas nila ginaganap kaya’t hindi siya makakuha ng pagkakataon na makilala ang nobyo ng ina.

Sa bagay, hindi niya pinangarap na makilala man lang ito. Pakiramdam niya kasi ay kinakain siya ng kunsensya sa tuwing sumasagi sa isipan niyang isang pamilyadong tao ang mayamang lalaking nasa harap niya ngayon. Hindi pa man niya nakikilala ang dating pamilya ng lalaki ay gusto na niyang humingi ng tawad.

Sa pagkaka-alala niya ay sinabi ng ina na nababaliw na ang unang asawa ng nobyo nito. May isa silang anak pero hindi na rin umuuwi simula nang dalhin ang unang asawa sa mental hospital.

“Nice meeting you. Hindi ko alam na ganito ka kaganda sa personal. Nagmana ka sa mama mo,” bati ni Oliver.

Pilit naman siyang ngumiti. “Salamat po.”

“Cora, pakisamahan si Jirsten sa silid niya,” utos ng mayamang lalaki.

Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa kasambahay. Tila nahihiya pa siyang sumama rito. Bakas kasi sa mukha ng kasambahay na hindi ito natutuwa sa presensiya nilang mag-ina.

“Dito ang kwarto mo. Kwarto naman ng anak ng may-ari ng bahay na ito ang sumunod na silid. Hiling ko na kahit anong mangyari ay huwag mong gagalawin ang silid na iyon,” pagpapaalala ni Cora.

“Salamat po,” naiilang na saad niya. Matanda na si Manang Cora. Sa tingin niya ay matagal na ring kasambahay sa pamamahay na ito kaya’t nakakasigurado siyang kilala nito ang unang asawa ng kalaguyo ng ina.

“Sorry po sa abala,” dagdag niya. Inirapan naman siya ng matanda.

“Huwag ka nang mailang, hindi naman magtatagal ay aalis din kayo rito.”

Isang pilit na ngiti lang ang naitugon niya sa matanda bago umalis sa harap niya.

Inaasahan din naman niyang hindi siya pakikisamahan ng maganda ng mga kasambahay rito ngunit iba pala kapag aktuwal nang nangyayari sa harap niya. Magkahalong kaba at hiya ang naramdaman niya kanina dahil sa pakikitungo ni Manang Cora.

She sighed. Ito ata ang kabayaran sa mga kasalanan ng ina. She has no choice but to endure it.

Nilibot niya ang tingin sa buong bahay. Hindi pa rin mawala ang pagkamangha niya sa buong mansion. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakatapak sa ganito kagandang bahay. Tila hindi kapani-paniwalang titira siya rito balang araw.

Hindi niya namalayang naaaliw na siya sa paglilibot hanggang mapunta siya sa sala ng bahay.

Natigilan siya nang mapansin ang mga napakaraming nakahilirang tropiyo na nakahilira rito. Karamihan ay nakapangalan sa unang asawa ni Oliver.

The Mistress's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon