Chapter 37

25.6K 631 15
                                    


KABANATA XXXVII

[JIRSTEN MYLES]

Hindi naging maganda ang pakiramdam ko matapos naming umalis sa terrace. I thought I would not be affected anymore, but I was wrong. I was still healing from the past.

Wala pang ilang minutong pananatili ko sa party ay nagpaalam na ako kay Skylar na babalik na ako sa room namin dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Alas-nuebe na rin ng gabi kaya kailangan kong patulugin si Kyel. Agad naman siyang sumang-ayon. Binuhat naman ni Dein si Kyel na inaantok na.

Matapos naming makarating sa room namin ay kinuha ko si Kyllian sa bisig ni Dein. The boy was already asleep. He was that comfortable with Dein.

“Good night,” he smiled.

“Good night,” balik kong sabi sa kaniya.

“By the way, can I ask you out tomorrow?” naiilang niyang tanong.

“Out?”

“I am not asking you on a date,” depensa niya, “Itʼs not a date. Kyel can come, of course.”

Natawa naman ako, “Wala naman akong sinasabi.”

He laughed back, “So... Can I?”

“Sure. Para na rin maipasyal ko si Kyel bago kami umuwi sa Amsterdam.”

Bumagsak naman ang balikat niya, “How many days will you stay here?”

“Five days at most.”

“That soon?”

“Yeah. You know someone is waiting for me there,” sabi ko.

“Oh, yeah.”

His face lightened when he got what I was trying to say.

“So, Iʼll fetch you guys at 10:00 AM. Donʼt be late,” ngiting aniya.

“Yeah, tomorrow, 10:00 AM,” pag-uulit ko.

Muli kaming nagpaalam sa isaʼt isa. Hindi naman nawala ang ngiti sa labi niya hanggang isarado ko ang pinto.

Dinala ko si Kyel sa kama. Napabuntong-hininga na lamang ako matapos ko isang pahigaan.

The next day, gaya nang napag-usapan namin ay lumabas kami ni Dein kasama si Kyel. Nagtungo kami sa amusement park malapit sa Mall of Asia. Sobrang saya ni Kyel habang sinusubukan namin ang mga pambatang rides.

Pagkatapos ay nagtungo naman kami sa mall upang mamasyal at kumain. Nagtungo din kami sa kinder city para maglaro ulit si Kyel. Kaya alas-dos pa lang ng hapon ay napagod na siya at nakatulog sa bisig ni Dein.

“He looks so tired,” I chuckled.

“Yeah, we should do this sometimes,” suhestiyon niya.

“Sure. Visit us sometimes in Amsterdam,” sarkastikong biro ko.

“Gusto mo gawin ko pang Manila to Quiapo ang pag-travel ng Pinas to Amsterdam eh,” pagbalik niyang biro niya dahilan para matawa ako.

“Jirsten?”

Natigilan kami nang may tumawag sa pangalan ko. Agad naman akong napalingon.

“Ikaw nga!”

I confusedly looked at her. She was familiar but I could not remember who she was.

Galak siyang lumapit sa amin. Tumaas ang kilay ko nang yakapin niya ako at hinalikan sa pisngi. Nagpalitan pa kami ng tingin ni Dein habang tinatanong kung sino ang babae. Tanging kibit-balikat lang ang naitugon ko.

The Mistress's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon