WAKAS
Pinadaan ko ang hintuturo ko sa mga products na nakaparada. I looked at Kyllian who was busy checking the junk food section. Yakap-kayap niya ang mga kasing laki ng throw pillows na mga chichirya. I sighed and shook my head. I always reminded him to eat less of those junks, but he wouldnʼt listen to me.
“Kyllian, you’re not planning to buy them, are you?” I asked. I got his attention as he pouted.
“Ngayon lang naman, Ma, eh!” busangot niya. I rolled my eyes before giving up. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
“Okay. Ngayon lang,” pagpayag ko.
“Yes!”
Napataas ang kilay ko nang kumuha siya ng kung anong mahagip ng kamay niya. Lumapit siya sa akin na kahit ang bunganga niya ay may kagat malaking junk food.
My lips parted in disbelief. A smirk escaped his lips.
“Ngayon lang naman. Bakit hindi ko pa sulitin?” pilyong saad niya. Halos mapuno na ang dala naming malaking cart.
I sighed. “Nagmana ka talaga sa pinagmanahan mo.”
Mas lalong lumaki ang ngisi sa labi niya. Napailing na lang ako at hindi maiwasanan ang mapangiti. Muli akong tumingin sa mga produkto ng cereals.
“What cereal does Demian like again?” I asked.
“Kellogg’s, mom.”
“Thanks, and where is it again?” I asked again. Lumapit siya sa akin at kinuha ang cereal sa pinakataas ng shelves.
“Here.”
Ibinigay niya sa akin habang nakatingin sa cellphone niya. I could not stop myself from smiling.
Hindi nga talaga namamalayan ang oras. Kyllian and Demian were both seventeen now. Kung dati ay kinakarga ko lang sila, ngayon ay magkasing-tangkad na kami ng mga anak ko.
Nang matapos naming mabili ang lahat ng mga kailangan namin ay agad kaming nagtungo sa cashier. Sumunod lang si Kyllian sa akin habang nakatingin pa rin sa cellphone niya.
“Ouch!”
“Naku! Iyong mga pinamili ko!”
Mabilis akong napatingin sa likod ko nang marinig ang boses ni Kyllian. Nagsalubong ang kilay ko nang makita itong tinutulungan ang ginang na pinupulot ang pinamili sa sahig. She was a nun based on her clothes.
“Sorry po. I did not see you,” paumanhin ni Kyllian.
“Okay lang, ‘nak.”
Bumuntong-hininga ako bago lumapit sa kanila at tumulong sa pagpulot. “Sorry sa anak ko,” paumanhin ko rin para sa anak ko.
“Okay lang—” natigil sa ere ang sasabihin niya nang magtama ang mata namin. Napaawang ang labi naming pareho, bakas ang pangungulila sa mukha niya. Napalunok naman ako. Ramdam ang namumuong emosyon sa puso ko.
“Jirsten,” sambit niya sa pangalan ko.
I stared at her, but could not say anything.
“Ma, you know her?” tanong ni Kyllian.
Napatingin ang madre sa kaniya. Ang pangungulila niya ay lalong lumaki nang makita ang anak ko.
“I-Ito na ba siya?” Hindi maitanggi ang panginginig ng boses niya. Kyllian confusedly looked at me before he returned his attention to his biological mother. She cupped his cheeks and longingly looked at him.
“A-Ang laki mo na,” saad niya.
I bitterly smiled. I know she had been longing for the day she could meet her son again.
BINABASA MO ANG
The Mistress's Daughter
FantasyCOMPLETED | 2024 VERSION | R-18 Jirsten Myles Ferrer had always wanted a simple and quiet life. Unfortunately, she could not get it because of her mother's way of living. Eventually, her mother became the mistress of one of the country's most succes...