Chapter 29

22.4K 592 3
                                    


KABANATA XXIX

[JIRSTEN MYLES]

Hindi ko alam kung ilang oras akong manatili sa park. Madilim na rin ang buong paligid. Wala akong alam na lugar na puwedeng takbuhan at kahit kusing ay wala ako. I deeply sighed before I decided to leave.

Ilang saglit pa ay tumigil ako nang manlabo ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko. Wala pang ilang segundo nang bumagsak ang katawan ko sa daan. Rinig ko ang mga sigawan ng mga tao ngunit hindi ko na nagawang idilat ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang ang pagbuhat sa akin ng isang lalaki bago tuluyang mawalan ng malay.

Nagising akong muli sa hindi pamilyar na lugar. Napatingin ako sa buong paligid hanggang tumigil ang mata ko sa gawa sa salamin na pader. Kita ko ang mga naglalakihang gusali sa labas. Doon ko lamang mapagtantong nasa isang penthouse ako. Maliwanag na rin sa labas. Nakatulog ako rito? Pansin kong iba na rin ang suot kong damit.

I glanced at my hand when I felt a needle piercing into my skin. Dextrose? I didnʼt feel that weak to have this. Though, I felt a bit dizzy. I took it off before I stood up. Where am I?

Iginala ko ang sarili ko sa buong paligid. Ang lawak ng lugar at sobrang taas ng kisame. May sarili itong piano at bar kung saan naka-display ang mga mamahaling alak. Napadpad ako sa living room. Napansin ko ang ilang papeles sa table. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng kompanya nina Owen.

Chavez Corp.

Agad ko itong kinuha. It was a business proposal for investment.

Mabilis ko rin itong ibinaba nang marinig ang pagbukas ng elevator. Napaawang ang labi ko nang makita si Lucas. Nakasuot siya ng trouser at polo na hindi nakabutones ang tatlo sa itaas. Halos kita ang dibdib niya.

He looked at me with his hazel eyes and playfully grinned.

“Youʼre awake.”

He went to the bar and took one of the wines. Kumuha siya ng baso at naglagay ng alak bago muling tumingin sa akin.

“Why am I here?” tanong ko sa kaniya.

He sipped his wine. “Canʼt you remember?”

Umiling naman ako.

“I saw you faint on the road, and took you here.”

Naglakad siya patungo sa direksyon ko. Nilagpasan niya ako at umupo sa sofa.

“Pardon me, I have nothing to offer to you right now other than wine. But since you canʼt drink wine either, just wait for my secretary. Iʼll ask her to buy us some food.”

Nagde-kuwatro siya ng upo at nilabas ang phone niya. Ilang saglit pa ay itinatong niya ito sa tainga niya.

“Breng ons wat eten,” aniya. Tumingin siya sa akin.

“What food do you feel nauseated so we can avoid?” tanong niya sa akin.

Kumunot naman ang noo ko.

“What are you talking about?”

Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

“Didnʼt you know?” he asked.

“Know what?” I asked crookedly.

“Youʼre pregnant.”

“W-What?” my eyes widened.

“Oh, you didnʼt know,” he laughed. “Youʼre two months pregnant. I was also shocked myself.”

May sinabi pa sa siya sa kabilang linya gamit ang lingguwahe nila bago tuluyang ibinaba ang tawag. Muli siyang uminom ng alak bago inabot ang binabasa ko kanina.

The Mistress's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon