KABANATA XXXII
[JIRSTEN MYLES]
Malapit na ako sa pintuan nang may mabangga ako. Nabuhos sa akin ang hawak niyang red wine. Hindi naman tumitigil ang mga luha ko sa paglabas nito.
“Iʼm sorry. I didnʼt see you. Are you okay?” tanong ng ginang na nabangga ko.
Sa halip na sagutin ay wala ako sa sariling napatingin sa direksyon nina Owen na nakatayo sa hindi kalayuan. He walked toward me, but he stopped midway when he saw Lucas approach me.
“Luna,” he called me again by that name. “Let’s go.”
Tumango naman ako. Maalis na sana kami palabas ng hall nang may tumawag sa pangalan ko.
“Myles.”
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Chynna. Naglakad naman siya patungo sa akin. She held my shoulders to assist me as she glanced at Lucas.
“L-Let me handle her. I’m...” she stopped and looked at me. She smiled at me as if she was giving me comfort.
“I’m her friend,” she continued.
Walang nagawa si Lucas nang hilain ako ni Chynna palabas ng hall. Wala naman ako sa sariling nagpahila sa kaniya hanggang mapunta kami sa isang suite room.
“Why did you help me?” mahinang tanong ko matapos naming makapasok.
“Galit ka sa akin kaya bakit? What I did to you was terrible–”
“Myles, alam mong hindi mo kasalanan ang lahat. Kasalanan ko din,” turan niya bago humarap sa akin. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin.
“A-Alam kong may kakaibang namamagitan sa inyo ni Landon simula pa lang bago ko siya naging boyfriend, pero binaliwala ko iyon.”
“C-Chynna.”
Muli niyang itinuon ang tingin sa akin saka mahinang ngumiti.
“Sorry kung kinain ako ng galit. Mahal ko si Landon, but I love you more than I love him. Late ko lang na-realize na mas mahalaga sa akin ang friendship natin,” naiiyak niyang sabi.
“I-I ended up everything with him last month. Gusto sana kitang kausapin pero wala akong maisip na dahilan. I wasn’t even there when you needed someone to lean on. Sobrang kapal na nang mukha ko kung lalapitan kita matapos ang ginawa ko.”
Napakagat na lamang ako ng labi nang maramdaman na namang maiiyak ako. Mabilis niya akong niyakap dahilan para mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko.
“It’s okay, Myles. Ilabas mo lang.”
Matapos ang ilang minutong pag-iiyakan namin ay nagpaalam siya sa aking kukuha muna siya ng damit na ipapalit ko. Agad naman akong tumango sa kaniya.
Makalipas ang ilang segundo matapos niyang umalis ay bumukas ang pinto. Agad akong tumayo sa pag-aakalang si Chynna iyon. Natigilan na lamang ako nang makita si Owen. Walang emosyong nakatingin sa akin.
“Why are you here?” malamig niyang tanong.
Nanikip ang dibdib ko nang makita siya. Umismid naman ako.
“Obviously, to attend this engagement party of yours,” sarkastikong saad ko.
Kita ko ang pagtiim-bagang niya. Siya pa ngayon ang galit?
Sa halip na sagutin ako ay tumalikod na lang siya para umalis. Ganu’n na lang iyon?
I clenched my jaws and angrily removed the ring on my finger. Natigilan siya nang ibato ko ito sa kaniya. Nagpagulong-gulong ang singsing hanggang mapunta sa paanan niya.
BINABASA MO ANG
The Mistress's Daughter
FantasyCOMPLETED | 2024 VERSION | R-18 Jirsten Myles Ferrer had always wanted a simple and quiet life. Unfortunately, she could not get it because of her mother's way of living. Eventually, her mother became the mistress of one of the country's most succes...