A/N: Ang dami ko nang binago sa part na ito. Ito talaga ang original plot nito if isa man kayo sa nagbasa nito noong 2021. Dinagdagan ko lang ng ilang details. Enjoy reading.
°°°°
KABANATA XXXIV
[JIRSTEN MYLES]
Nagising ako nang maramdamang may naglilikot sa tabi ko. Napangiti ako bago unti-unting binuksan ang mga mata ko. Sumilay naman ang tuwa sa mukha ng anak ko kasabay nang pagsunggab niya sa akin at pinaulanan ng maraming halik.
“When did you wake up?” I giggled.
“Eerder,” he laughingly replied. “Ma, ik heb honger.”
I weakly pinched his nose. “Oh, my baby is hungry.”
Sunod-sunod naman siyang tumango.
“Where is my kiss first?”
“Argh. Ma, I gave you kisses earlier,” busangot niya.
Muli akong natawa. “You donʼt like Mama anymore?” kunwari ay nagtatampo kong sabi.
“Houd van je,” he said, telling me he loved me.
Hindi ko naman maitago ang ngiti sa mga labi ko at hinalikan siya sa pisngi. Apat na taong gulang na siya ngayon. He wasnʼt that good at pronunciation, but it was still understandable.
He giggled and hugged me tightly.
Ilang saglit pa ay nagpaalam ako sa kaniya upang gumawa ng agahan namin. Naiwan naman siya sa kama at naglaro.
My phone rang while I was cooking his favorite pancake. I answered it. Skylar was video calling me. Isinandal ko ang phone ko sa wall malapit sa sink upang makita niya ang ginagawa ko.
“Hey, are you up?” bungad niya. Base sa hitsura ay nasa isang spa siya ngayon.
She must be enjoying her time for her upcoming wedding. Alam kong tanghali na sa Pilipinas ngayon.
I chuckled. “Nope, sleepwalking.”
“Shut up!” she laughed.
Skylar was a friend of mine. She was a fil-am model. I met her almost three years ago through Aaron. Yes, Aaron, one of Owenʼs friends in college.
Sa Denmark nag-aral si Aaron ng master degree matapos niyang makapasa sa CPALE. Small world because I was also studying in an art school in Denmark. Doon ulit kami nagkita at nakilala si Skylar na ilang buwan pa lang niyang girlfriend.
I laughed back and shrugged my shoulders. “Youʼre asking the obvious.”
She rolled her eyes. “Anyway, what time is your flight?”
“Tonight.”
Nawala saglit ang atensyon ko sa kaniya pang ituon ang tingin ko sa niluluto. Isinabay ko na rin ang pagto-toasted sa bread at pagpapainit ng tubig for my coffee.
“Donʼt be late. Youʼre my maid of honor,” paalala niya.
“I know. You donʼt have to remind me.”
Nang may naluto akong dalawa sa pancake ay agad ko itong nilagay sa plato. Tumingin ako sa phone ko at sinenyasan siyang saglit lang. Agad naman akong nagtungo sa kama upang kunin si Kyel. Studio-type apartment kasi ang tinitirahan namin kaya makikita mo lahat ang meron sa loob maliban sa cr.
“Kyel, baby. Come here. Your breakfast is ready.”
I carried him and let him sit at the dining table. Nilagay ko ang pancake sa harap niya at nilagyan ito ng honey. Kumuha naman ako ng gatas sa fridge at pinainitan ng kaunti bago ibigay sa kaniya. He always liked his milk warm.
BINABASA MO ANG
The Mistress's Daughter
FantasyCOMPLETED | 2024 VERSION | R-18 Jirsten Myles Ferrer had always wanted a simple and quiet life. Unfortunately, she could not get it because of her mother's way of living. Eventually, her mother became the mistress of one of the country's most succes...