KABANATA XVIII
[JIRSTEN MYLES]
Days passed without Owen talking to me. Iʼve been ditching my class because I couldnʼt leave him. He always locks himself in his room. He doesn't even touch his food.
Itʼs been a month since that happened. I havenʼt heard from mom anymore. She didnʼt even contact me since the last time. Sa tuwing wala akong ginagawa ay inaabala ko ang sarili ko sa pagpipinta. I’m trying to earn money by painting. Sometimes I accept part time jobs.
“Hija, sigurado ka bang kaya mo ito ng mag-isa?” tanong ni Manong matapos ituro sa akin ang sampong metrong haba ng dingding ng sidewalk. They will pay me 20k for this one. I just need to paint the whole wall.
“Opo!” masiglang saad ko.
“Sigurado ka? Ang init ng panahon. Ang puti mo pa naman.”
“Meron po akong sun protection,” giit ko.
“Sige, maiwan na muna kita diyan.”
Sinundan ko siya ng ngiti hanggang naglakad na siya palayo. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Malalim na bumuntong hininga bago sinimulang ayusin ang mga pinturang gagamitin ko.
“M-Myles.”
Natigilan ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. Napatingin ako sa kaniya kasabay nang pagsama ng pakiramdam ko. Hindi nga ako nagkamali. Si Landon ang nasa harap ko.
“Oh?” I responded weakly before turning my attention back to arranging the things I needed for painting.
“N-Narinig ko ang nangyari,” saad niya. Kumunot ang noo ko dahil sa tono ng pananalita niya. It was as if he felt sorry for my situation. I took a deep breath before answering him.
“Landon, umalis ka na dito. Huwag kang magpapakita sa paningin ko hangga’t maaari. Ako na ang nakikiusap,” mahinang saad ko.
“Myles, hayaan mo akong magpaliwanag. I-I didn’t mean what I’ve said to Chynna,” pangangatwiran niya. Umismid naman ko bago tumayo at harapin siya.
“Nagpapatawa ka ba? Do you even hear yourself?” natatawang tanong ko.
“Myles, mahal kita. Pero hindi ko kayang iwan si–”
Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. Ilang buwan ko na rin itong kinimkim.
“Tama na, Lan. Huwag ka nang magpanggap,” pakiusap ko bago siya itulak. “Umalis ka na.”
“Wala na kami ni Chynna!” turan niya. Natigilan naman ako ngunit makalipas ang ilang saglit ay natawa na lang ako.
“So what? Kaya pala nandito ka kasi wala na kayo?” natatawang sagot ko. “Ano ba ang tingin mo sa akin, Landon? Reserba lang ba?”
“Hindi. Hindi, Myles. Mahal kita–”
“Hindi iyon ang nakita ko noong iniwan mo ako doon para lang sundan si Chynna. Hindi iyon ang nakita ko noong tignan mo ako bago ka umalis. Hindi iyon ang narinig ko noong sinabi mong mahal mo siya,” sumbat ko sa kaniya. Hindi naman niya magawang magsalita.
I sighed deeply. “Lan, hindi ako tanga. Sa tagal kong naging third wheel sa relasyon niyo, alam kong nagbago ang pagtingin mo sa akin noong naging kayo. Minsan nga ay nakakalimutan mong nasa tabi niyo lang ako sa tuwing kasama mo siya eh.”
Hindi siya nakaimik. Tila tinamaan siya sa mga sinabi ko.
“Umalis ka na. Nakaka-abala ka,” saad ko bago muling ituon ang gawi ko sa pag-aayos. Ramdam ko naman ang pag-alis niya.
BINABASA MO ANG
The Mistress's Daughter
FantasyCOMPLETED | 2024 VERSION | R-18 Jirsten Myles Ferrer had always wanted a simple and quiet life. Unfortunately, she could not get it because of her mother's way of living. Eventually, her mother became the mistress of one of the country's most succes...