Chapter 23

22.1K 583 2
                                    


KABANATA XXIII

[JIRSTEN MYLES]

Halos kalahating oras na akong naglalakad sa paligid ngunit hindi ko pa rin makita ang tamang daan. Naliligaw na ako dahil sa pare-pareho ang hitsura ng mga punong nakikita ko sa paligid. The sky was getting darker. The tiny thunderstorms Iʼve been hearing from the clouds indicated that it would probably rain a lot.

I tried to use my phone to contact Owen or anyone from them, but there was no signal everywhere.

“Come on,” I whispered while trying to find a better signal.

Napadaing na lang ako nang madapa ako dahil sa nakausling ugat ng puno sa lupa. Damn, I think I sprain my ancle.

Naiiyak na ako at naiinis sa sunod-sunod na kamalasang nangyari ngayon araw. I hate myself for having this strange feeling for Owen, and I hate myself more for coming here with them. I hate everything I did that made me look so stupid.

Mas lalong lumala ang bigat ng dibdib ko nang maramdaman ang pagpatak ng ulan. Agad kong hinanap ang phone na nabitawan ko dahil sa pagkadapa ngunit hindi ko rin mahagilap.

“Great,” sarkastikong ismid ko.

Nababasa na ako ng ulan ngunit nagpatuloy ako sa paghahanap ng phone ko. Wala rin naman akong masisilungan, eh.

I bit my bottom lip when I felt like I was about to cry. Sobrang bigat ng dibdib ko. I was frustrated and helpless.

Sa huli ay hinayaan kong lumabas ang mga luha ko habang hinahanap ang phone ko sa nababasa nang mga toyong dahon. I was crying when someone stood up in front of me.

I stopped and looked up. My lips parted when I saw Owen. He was catching his breath as if he had run for miles.

“What the fuck are you doing here?!” galit niyang bunto.

Agad akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paghahanap ng phone ko. I donʼt want him to see how stupid I look right now.

Hindi ko mapigilang humikbi dahil sa pagpipigil ng mga luha ko. Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.

“Jirsten Myles,” ma-otoridad niyang tawag sa pangalan ko.

This was the first time I heard him say my full name.

“Ano?” mahinang saad ko habang hindi pa rin makatingin sa kaniya dahil sa kahihiyan. “Oo na, alam kong tatanga-tanga ako ngayong araw. Hindi mo na kailangang ipamukha.”

“Buti alam mo,” kalmado na niyang saad. May pinulot siya sa hindi kalayuan at iniabot sa akin iyon. Natigilan naman ako nang makita ang phone ko.

Hinawakan niya ang braso ko at inalalayang tumayo. Lumalakas na rin ang ulan na sinasabayan pa ng malakas na hangin at pagkidlat. Basang-basa na kami at ramdam ko na rin ang ginaw.

“Wala namang nagsabi sa iyong mauna ka,” bulong niya pero sapat na para marinig ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko nang makatayo ako. Ramdam ko ang inis dahil sa narinig.

“Eh, ano bang ginagawa mo dito? Wala namang nagsabing sumunod ka,” bara ko sa kaniya.

It was too late to regret what I said when I saw him frowning.

“Are you fucking serious right now?” inis niyang saad.

“What?” maang ko. “Eh, hindi ba busy ka kay Vanna?”

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Gusto ko namang sapakin ang sarili ko. Masyado na akong nagpapadala sa emosyon ko ngayong araw. I wasnʼt acting like my normal self. I sounded like an immature teenager.

The Mistress's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon