Chapter 41

22.7K 527 13
                                    

KABANATA XLI

[THIRD PERSON]

Madaling araw na ngunit makikita si Oliver na nagpapakalunod sa alak sa opisina niya. Hindi niya magawang dumalaw sa burol ng dating asawa. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatan na magtungo sa burol nito matapos ang lahat ng mga maling nagawa niya. He ruined the mother of sonʼs life by loving another woman. He was the reason why she was miserable when she was alive.

Kung nagawa lang sana niya itong mahalin, baka naging maayos sana ang pamilya nila. If he could just love Grace instead of that woman.

Ang lakas ng karma na ibinalik sa kaniya. He cheated on his wife and fell in love with the wrong person. His son hardly considered him as his father. He was gradually losing everything he cherished.

Bumalik siya sa reyalidad nang makita ang sekretarya nitong si Ramon.

“How is he?”

Umiling sa kaniya ang sekretarya. Magalang nitong ibinigay sa kaniya ang isang tablet. Makikita roon ang ilang larawan ni Owen na kuha sa hindi kalayuan sa binata. Nagbayad siya ng tao upang makita man lang ang kalagayan ng anak.

He couldnʼt face his son as he was ashamed of himself.

Isa-isa niyang tinignan ang mga litrato. Base sa mga ito at hindi maganda ang kalagayan ng anak. Halata ang pagbagsak ng pangangatawan nito at kulang sa tulog. Alam niyang napapabayaan din nito ang sarili na pakainin.

“Mukha naman siyang okay sa harap ng maraming tao. Inaasikaso niya ang lahat ng mga taong nakikiramay sa burol,” kasuwal na wika ni Ramon.

Ramon was not just his secretary. Matalik din niya itong kaibigan at tagapayo. Ilang dekada rin ang lumipas simula nang magsilbi ang mga Manalo sa mga Chavez, kung kayaʼt parang kapatid na kung ituring ni Oliver si Ramon.

“Didnʼt he cry?” tanong ni Oliver habang tinititigan ang blankong mukha ng anak sa screen.

Umiling naman si Ramon bago siya sagutin, “Hindi.”

Oliver knew his son was trying to keep everything inside him.

Bumuntong hininga siya at inilipat ang litrato. Natigilan siya nang makita ang isang pamilyar na mukha. Mabilis na kumunot ang noo niya.

“Kailan ito kinunan?” tanong niya. Naningkit ang mata niya habang nakatingin sa litrato kung saan nakaupo si Owen sa kalsada kasama ang isang babae.

It was not just a random woman, but Jirsten Myles. The daughter of the only woman he loved and betrayed him.

“Kagabi. Sa tingin ko ay matagal na silang nagkikita. Ang sabi ay hindi man lang nagulat si Sir Owen nang makita siya,” tugon ng sekretarya.

“Nagpalipas ng gabi ang anak niyo sa bahay na tinutuluyan niya sa bataan.”

Kapansin-pansin ang paggalaw ng panga niya. Ilang taon na ang lumipas ngunit nagpapakatanga pa rin ang anak sa babaeng iyon!

“May nalaman din ako tungkol sa kaniya,” dagdag nito.

Seryoso namang tumingin si Oliver kay Ramon.

“Ano iyon?”

“Nagtanong-tanong ang tao ko tungkol sa nakatira sa bahay na iyon. Ang sabi ay dayo lang daw sila doon. May kasama siyang limang taong gulang na bata na sinasabi nilang anak niya.”

Nanlaki ang mata ni Oliver, “A-Ano?!”

Bumuntong hininga si Ramon bago tugunin si Oliver, “Hindi imposibleng mabuntis ang babaeng iyon. Ilang buwan din silang nagtanan ni Sir Owen sa Batangas.”

The Mistress's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon