KABANATA IV
[JIRSTEN MYLES]
I sighed a few times while watching the sunset. This is where I go whenever I want to think straight. Sunod-sunod ang mga nangyayari sa buhay ko at hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin.
I looked to my side when I felt someone sitting next to me. My eyes widened when I saw Owen.
He smiled at me while I just stared at him dumbfounded. His smile grew even bigger when he noticed that my gaze never left his face.
“Don’t stare at me like that, you might fall,” he teased.
I turned my gaze back to the setting sun. Suminghal ako upang ilabas ang hanging bumabara sa dibdib ko. Heto na naman ang puso ko, nagwawala na naman dahil sa kaniya.
“B-Bakit ka nandito?” pag-iiba ko sa tanong.
“I don’t know?” aniya. Tumingin din siya sa tanawin. “Maybe destiny made a way to run into you.”
Naiilang man ay natawa ako sa sinabi niya.
“Naniniwala ka sa destiny?” natatawang tanong ko. He shrugged his shoulder before we laughed together.
Ilang saglit pa ay kinain ng katahimikan ang buong paligid at sabay na pinanuod ang tuluyang paglubog ng araw. Nagdidilim na nang basagin niya ang katahimikan.
“I’m sorry about last time.”
“Ah?” Muli akong napalingon sa kaniya na siyang muling pagwawala ng puso ko. I swallowed and tried to act normal in front of him. Kita ko ang pagsilay ng ngisi sa labi niya.
“I kissed you last time,” pagpapaalala pa niya. Mabilis akong tumayo at bumaba sa kinauupuan ko.
“Wait!”
Nagsimula akong maglakas ng mabilis. Hindi ba niya naisip na ayaw kong pag-usapan ang bagay na iyon?
“O-Okay lang iyon. N-Nakalimutan ko na,” pilit akong tumawa.
Bakit ba ako nauutal?
Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko. The hell? Jirsten Myles, you are too obvious!
Nabigla ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya.
“You’re acting weird,” seryosong saad niya. Tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Lumayo ako sa kaniya ng isang metro.
“H-Hindi ah,” giit ko.
Marahan naman siyang tumawa at kinamot ang batok niya. Muli siyang nagkibit-balikat.
“So, can I come with you?” diretsong tanong niya. Kunot-noo naman akong tumingin sa kanya nang mapansing tila iba ang pakikitungo niya sa akin.
“What is wrong with you?” tanong ko sa kaniya na siya namang ipinagtaka niya.
“What is wrong with me?” pagbabalik niya sa tanong.
Humugot ako ng lakas ng loob bago muling magsalita.
“By any chance, are you hitting on me?” muling tanong ko. Rinig ko ang pagtawa niya ng marahan.
BINABASA MO ANG
The Mistress's Daughter
FantasyCOMPLETED | 2024 VERSION | R-18 Jirsten Myles Ferrer had always wanted a simple and quiet life. Unfortunately, she could not get it because of her mother's way of living. Eventually, her mother became the mistress of one of the country's most succes...