Chapter 09

22.4K 603 3
                                    

KABANATA IX

[JIRSTEN MYLES]

“Jirsten, okay ka lang ba?” tanong ni tito sa akin.

Agad ko namang nakuha ang atensyon ni Owen. Palihim siyang ngumisi sa akin bago nagpatuloy sa pagkain.

Napalunok ako bago tumango kay tito bilang tugon. “Y-Yes, I’m okay.”

I shook my head, trying to get what happened yesterday out of my thoughts. Owen just kissed me last night and I couldn’t sleep at all after that. Sa tuwing naaalala ko iyon ay bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

Owen was right in front of me so it was hard not to get my attention. I was trying to focus my eyes on the table so I could not see his face. I stopped eating when I saw someone place a dish in front of me. Isang steak na sa tingin pa lang ay alam kong hindi ito ang nakikita sa palengke lang. Agad akong napatingin kay Owen nang mapagtantong siya ang naglapag sa harap ko.

“Kanina ka pa napapatingin diyan,” he said without even losing his goofy smile.

Sumama naman ang timpla ng mukha ko. I didn’t realize I was looking at the steak. Even if I explain myself, I’d sound like a fool here. Bumuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Wala akong oras para makipaglokohan sa kaniya.

Hindi niya kailangang ipamukha sa akin kung anong klaseng pagkain ang hinahanda sa kanila dahil alam kong walang-wala ito sa kinakain namin ni mama noon. Isa pa, hindi ko kayang kumain ng karne. Sa hindi malamang dahilan ay nasusuka ako rito sa oras na matikman man lang.

“Taste it. I’m sure wala iyan sa squatter—”

“Owen!” matigas na saway ng ama niya.

“Honey, nagbibiro lang siya,” agad namang ani mama. Sinusubukan na pakalmahin si tito.

Inosente namang tumingin si Owen sa ama. “What? Totoo naman ang sinabi ko. Meron bang ganiyan sa squatter?”

“Nagiging bastos ka na!”

Natigilan silang lahat nang bigla kong itusok ang tinidor ko sa dahilan ng pinag-aawayan nila. Walang imik na kinuha iyon. Hinati-hati ko iyon bago isa-isang nginuya. Ngumiti ako sa kanila habang nginunguya iyon.

“J-Jirsten!” gulat na bulalas ni mama. Alam niyang hindi ko kayang kumain ng karne.

I took a few more bites until my mouth was almost full. I covered my mouth as I felt nauseous. I quickly took the water and drank it to prevent vomiting.

“Salamat sa pagkain.”

Walang emosyon akong tumingin kay Owen na ngayon ay tila gulat din sa ikinilos ko. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Parang babaliktad ang sikmura ko. Mabilis akong nakarating sa banyo at doon isinuka ang lahat ng kinain ko.

Bumalik ako sa silid ko matapos kong ayusin ang sarili ko. Sa silid ko ay nadatnan ko si mama na maghihintay doon. Mabilis siyang lumapit sa akin nang makuha ko ang atensyon niya.

“Anak, okay ka lang? Walang hiya talaga ang anak ni Grace! Akala mo ay kung sino na! Hintayin lang niya, may oras din siya. Kapag ikinasal na kami ni Oliver—”

“Ma, pwede bang tama na?!” I screamed in annoyance. She seemed surprised because of my behavior.

This past day my voice was getting louder every time I talked to her. Something I didn’t do before.

“J-Jirsten?!” gulat niyang bulalas.

“Please, umalis muna kayo ngayon. Gusto kong mapag-isa,” kalmado kong saad.

The Mistress's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon