Chapter 35

24.7K 691 37
                                    

KABANATA XXXV

[THIRD PERSON]

Before the flight, Jirsten visited someone at the hospital. She spent over an hour there before returning home to fetch Kyllian. Iniwan niya muna ito sa pangangalaga ng kapitbahay nila. Mapagkakatiwalaan naman ito sapagkat kasing-edad lang ni Kyllian ang anak nito.

Nang sumapit ang gabi ay nagtungo na sila sa airport. Ramdam ni Jirsten ang kakaibang bumabagabag sa isipan niya hanggang makasakay sila ng eroplano. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niyang bumalik sa lugar na magpapaalala sa nakaraan niya.

“Are you sad, Ma?” tanong ni Kyllian nang mapansin ang pananahimik ng ina.

Marahan namang hinagkan ng ina ang pisngi ni Kyllian. “No, baby. Mama is just thinking about something.”

Ngumiti siya sa anak upang ipakita rito na okay lang siya. Alas syete na ng gabi. Matapos niyang pakainin si Kyllian ay sinubukan niya itong patulugin. Napangiti siyang muli nang makitang mahimbing na natutulog ang anak sa upuan nito. Buti na lamang ay iniba ni Lucas ang flight nila mula sa economy ay nilipat nito sa business ang ticket nila.

Lucas didnʼt seem a caring person, but he always took care of her ever since she went back home. They were not blood-related, but he treated her like a real little sister. Linggo-linggo nga siyang dinadalaw sa apartment niya upang seguraduhing may laman pa ang fridge niya. Mas naramdaman pa niya ang pagmamahal ng isang kapatid kay Lucas kaysa sa mga kapatid niya sa mother side.

Lucas was the brother she never asked for, but he was given to her. She wished he was her blood.

---***---

SA KABILANG BANDA, alas-tres na nang madaling araw ngunit hindi pa rin umuuwi si Owen sa trabaho. Kahit alam niyang hindi naman niya kailangang tapusin ang mga ito sa oras na ito ay sinusubsob pa rin niya ang sarili niya sa trabaho.

He knew he couldnʼt get a fine sleep even if he went back home to rest. It has been years since he suffered from insomnia. He tried to use sleeping pills, but it only worked for days, and itʼd make it worse after.

Napatingin siya sa gawa sa salaming pinto ng opisina niya nang magbukas ito. Napaawang ang labi niya nang makita si Vanna na may hawak na dalawang tasa ng kape. She smiled at him as she walked inside the room.

“Youʼre overworking again. Alam kong ikayayaman mo iyan, pero mapapagaan naman ang buhay mo sa earth,” biro nito at ipinatong ang isang tasa ng kape sa mesa niya.

Hinilot niya ang ulo niya bago tugunin ang dalaga.

“What are you doing here?” mahinahon niyang tanong.

“I was in a club when I remembered I left something on my desk.”

Vanna sat on the couch as Owen didnʼt respond. He sipped the coffee Vanna made for him.

“Thanks,” aniya.

Vanna softly laughed. “You should go home.”

“Later,” tugon niya at ibinalik ang atensyon niya sa mga papeles na nasa harap niya.

It has been two months since Vanna joined the company. Iyon ang unang beses niyang nakita ulit ang dalaga matapos niyang takbuhan ang sarili nilang kasal.

Of course, Vannaʼs father was furious that he even threatened them to cut ties with them. They almost lost their company if it wasnʼt for the help of Lucas Bran Janssen. Doon lang nila nakuha ulit ang tiwala ng mga ka-susyo nila sa negosyo.

He already asked her forgiveness and Vanna said it was okay. The marriage would not work anyway. Owen knew she was lying. Alam niyang nag-iwan ng malaking marka sa pagkatao ng dalaga ang ginawa niya.

The Mistress's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon