KABANATA XV
[JIRSTEN MYLES]
Napatingin ako sa buong paligid matapos kong makauwi sa mansyon. Ang akala ko ay madadatnan ko si Owen dito ngunit nagkamali ako. He was nowhere to be seen. He also left me earlier without saying a word.
Kung sa bagay, wala akong lakas para harapin siya ngayon. My mind was a mess and he just saw everything earlier.
Kinabukasan ay hindi ko pa rin nakikita si Owen. Tahimik naman akong nag-agahan kasama si Mama at Tito. Tinanong pa ako ni Mama kung bakit namamaga ang mga mata ko. Sinabi ko lang na nanood ako ng melodrama maghapon.
“Jirsten, anak, nakalimutan ko pa lang sabihin. Pupunta tayo sa isang party event ba iyon? Oo, iyon nga! Pupunta tayo doon mamayang gabi. Hindi ba, Hon?”
Natigilan ako sa pagkain. I gave her a look, asking what she was talking about.
“98th anniversary ng kompanya. You should be there, Jirsten.” Si tito na ang sumagot sa tanong ko.
“Excited na ako! Ito ang unang pagkakataon ko na makapunta sa ganu’ng lugar. Nakikita ko lang siya sa TV. Honey, gusto ko ako ang pinakamaganda doon!”
“Of course, honey.”
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit boses pa lang ni mama ngayon ay kinaiinisan ko na.
I deeply sighed. “Hindi ako pupunta.”
Pareho silang napatingin sa akin. Halata ang pagkadismaya sa mga mukha nila.
“Jirsten?! Ano ka ba?! Hindi pwede! Pupunta ka!” parang batang ani Mama.
“Ma, ayoko nga!” Nagulat sila sa biglang pagtayo kasabay ng pagtaas ng boses ko.
“J-Jirsten?!”
Masama akong tumingin kay Mama bago umalis sa dining area. Rinig ko pa ang pagtawag ni mama sa akin pero hindi ko na siya nilingon.
Nang makarating ako sa loob ng campus ay diretso akong nagtungo sa unang klase ko. Tahimik na pumasok sa loob at naupo sa dulo. May ilang bumabati sa akin pero hanggang ngiti lang ang tugon ko sa kanila.
Wala pa ang prof kaya’t ipinatong ko na lang ang ulo ko sa armchair.
“H-Hi.”
Agad kong inangat ang tingin ko nang marinig ang isang mahinhin na boses. Natigilan ako nang bumungad sa akin ang isang babaeng nakasalamin. Nakatirintas ang mahabang buhok niya. Matangos ang ilong niya at may kalakihan ang mata. Lagpas tuhod ang skirt niya, long sleeve blouse at sneakers. She looked like a nerd, but a beautiful one.
“M-May kailangan ka?” tanong ko sa kaniya.
“I-I think that’s my place,” naiilang pa niyang sabi.
“Ah. Sorry.” Akmang tatayo ako nang pigilan niya ako.
“No, it’s o-okay. I’ll sit beside you na lang,” nauutal pa niyang sabi.
“Thanks,” tugon ko.
“By the way I’m Vanna Santiago,” pakilala niya. Her voice’s too soft. Kung hindi ko lang alam na tao ang kausap ko, mapagkakamalan ko siyang isang anghel.
“Jirsten Myles.”
Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya at agad naman niyang tinanggap.
Gusto ko sanang makipagkwentuhan sa kaniya nang dumating ang prof namin. Agad namang umupo si Vanna sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
The Mistress's Daughter
FantasyCOMPLETED | 2024 VERSION | R-18 Jirsten Myles Ferrer had always wanted a simple and quiet life. Unfortunately, she could not get it because of her mother's way of living. Eventually, her mother became the mistress of one of the country's most succes...