Artemis 1

280 23 4
                                    

Ex

Trinity's PoV

"Ay!" agad kong pinulot ang mga librong kabibili ko lang kanina sa NBS

Maaga pa akong nagising para lang makapili nang maayos na cover ng libro tapos ihuhulog lang nitong bumunggo sa'kin? Aba naman! Lagot 'to sa 'kin!

Kukunin ko na sana ang librong medyo malayo ang pinaghulugan nang may ibang kamay ang kumuha nito.

Tumayo agad ako at pumameywang. Tsh! Ni-hindi ko pa nga nababasa, nanakawin na?

Tinitigan ko ngayon ang taong may hawak at seryosong kinikilatis ang libro ko.

Napalunok ako. Kilala ko nga pala ang taong ito.

Kamuntikan ko nang malimutang nasa school na ako, natural lang na makita ko ang pagmumukha yan.

Sinuri ko ang hitsura at katawan nito. Masasabi kong maraming nagbago sa kaniya. Tumangkad siya lalo. Nakabagsak din ang buhok nito.

Mapapansin mo ring nagpa-undercut at kulay kahel na ang dating itim na buhok nito. Weird. Nasabi niya kasi noon sa 'kin na natural na gupit lang at hindi siya magpapakulay ng buhok dahil ayaw niya. Pero bakit ngayon ginawa niya?

Ay teka nga. Paki ko ba?

Singkit pa rin naman ang mga makasalanan niyang mga mata.

Matangos pa rin naman ang makasalanan niyang ilong.

At ang labi niyang kissable—este makasalanan!

Ang manlolokong Calvin Martinez!

Lahat sa kaniya ay makasalanan. Kaya nga pinagtataka ko kung bakit pa 'to paggala-gala dito, baka kung sino pang mabiktima. Naku, naku, naku!

Mahirap nang maloko nang paulit-ulit.

"I didn't knew that you're reading possessive stories?" natatawa niyang ani.

Ay, possessive daw?

Aba, malay ko ba? May nagsabi lang naman sa 'kin na maganda daw yung mga stories ni Inang dahil mahahaba daw ang—

"Knight Velasquez. Seriously Trin?"

Dahil mahahaba daw ang kwento at maganda.

Bastos na Calvin, hindi ako pinatatapos.

I tsked at kinuha sa kaniya ang libro ko.

Hindi na dapat ako nakikipag-usap sa kaniya. 'Yon ang bilin ni Kuya Mielle sa 'kin bago siya umalis kaya dapat ko 'yong sundin. Baka kasi makalbo na ako nun 'pag nabalitaan niyang napapadikit na naman ako sa lalaking ito.

Tapos na ang usap dun, tapos na. Ayoko nang mapingot, sakit kaya!

Hahakbang na sana ako paalis nang hawakan niya ako sa braso na kinatigil ko.

"Baby please..." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ha! Ang tibay naman ng lalaking 'to, oh! Walastik, plastik!

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon