Hayuuuu! Plug ko lang isa ko pang story, well teen fiction siya and kakasimula ko palang i-publish dito. Matagal na kasi 'yong nakatambak sa kwarto ko yung notebook na 'yon kaya naisipan kong i-publish nalang here.
Sooooooo, kung gusto niyong masaksihan ang love story ng sigang Stella also known as 'Ella' or 'Eyah' and the childish boy na si Luvan Ace, also known as 'Luban' or 'Alas', well tara na! Samahan niyo ako sa journey ng walang humpay na kakulitan ng love story nilang dalawa na sinamahan pa ng tatlo pang asungot na sina Deon Angelo, also known as 'Deon' or 'Dyon', Brent Carlos, also known as 'Brent' or 'Bren', and Cayen Jay, also known as 'Yayen'!
I'll be so grateful na grateful kung babasahin niyo ang story kong 'yon, entitled "That's My Girl-Freak".
Story title: That's My Girl-Freak
Genre: Teen fiction
Status: On going
Description:Nasa'n na ba ang batang 'yon?! Tang-inis naman Chippy oh!
"Chip Josh Manalo pagbilang ko nang tatlo at wala ka pa dito lagot ka sa 'kin!" wala man lang akong narinig kahit na isang ingay, leche!
Ang sarap maglayas!
"LUVAN ACE ILABAS MO 'YANG KAPATID KO!" aba, wala ka nang takot sa 'kin ngayong bwisit ka ah!
Tingnan natin.
Kinuha ko ang baseball bat na nasa gilid ng pintuan niya at dumiretso ng garahian ng lecheng bwisit na tang-inis na lalaking 'yon at nakita ang motor niyang bagong bili galing ibang bansa. Nakaparada din sa loob ang mga sasakyan at cellphone ng tatlo pa niyang asungot kaya mas lalong lumawak ang ngisi ko
"Ang ganda nitong Mercedez Benz mo Deon ah, ano kaya kung basagin ko 'tong wind shield mo?" sunod kong pinuntahan ang motor ni Brent at sinandalan ito habang hinawakan ang manibela
"Ang angas nitong Ducati mo Brent, ang sarap tapyasan ng manibela." ngumisi ako nang makarinig ng kalabog galing sa taas
Pababa na ang mga lecheng asungot.
"Woah, Iphone Pro Max. Mukhang bagong bili lang 'to Cayen ah? Ano kaya kung durugin ko 'to?" nakarinig ako ng takbuhan galing sa living room kaya mas lalong lumawak ang ngisi ko
Napasipol ako nang mahawakan ang motor ng lecheng Luvan, tingnan natin kung hindi ka pa matakot sa 'kin.
"Ang gara ng BMW motorbike mo, Luvan. Trip kong sakyan, pero mas trip ko atang tanggalan ng makina."
"Deon Angelo Viñalez, Brent Carlos Dominico, Cayen Jay Rosales, Luvan Ace Cuanco. Pagbilang ko nang tatlo at hindi pa nakakarating si Chip dito wasak lahat ng mga mahal niyong sasakyan at cellphone niyo dito!" nagwarm-up muna ako, syempre mamahaling bagay ito kailangang paghandaan
"Isa!" inikot-ikot ko ang baseball bat
"Dalawa!" at itinaas iyon
Wala kayong takot sa 'kin ah, tingnan niyo 'to.
"Tat---"
"Noooooooo!"
"H'waggggggg!"
"My phoneeee wahhhhhh!
"Oo na, nandito na si Chip! Huwag mo na 'yang ituloy! Maawa ka na sa BMW ko!" pinigilan kong matawa dahil sa mga pinagsisigaw nila
Hindi ko naman talaga itutuloy na sirain 'tong mga sasakyan at cellphone nila, wala naman akong perang pambayad!
"Acheee Eyahhhhhhh, ushto mooooooo?" may maliliit na bisig ang yumakap sa isang binti ko kaya ibinaba ko na ang baseball bat na hawak
Kinarga ko siya at isinubo naman niya sa 'kin ang kitkat na kinagatan niya
"Achee sawaf po diba? Bigay yan nina kuya!" sabay turo sa apat na hinaharangan ang mga sasakyan at si Cayen nama'y itinago na ata sa pwet ang cellphone nito
Sinamaan ko sila ng tingin dahil puro chocolate at matatamis ang pinakakain nila sa bata.
"You're a demon!"
"An akuma!"
"Evil!"
"Bwisit ka Stella!"
Can I still live with these four jerks kahit na nasobrahan na sila sa kahanginan at ka-childishan?! Tang-inis! Kung wala lang talaga akong ibang matutuluyan hindi na ako nagtagal pa dito!
-
Date started: March 16, 2021
BINABASA MO ANG
Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry
FantasySecrets are bound to be kept. Making secrets are simple, but keeping it only from yourself in a very long time is way too impossible. ___________________________________________ "Hi!" "Halerr, ang ganda ko kaya." "Oo na kasi. Alam ko naman yun, maga...