Where
Trinity's PoV
Gusto nang tumulo ng luha ko pero hindi ko magawa. Masyado akong naaamaze sa lugar na nakikita ko ngayon. Malayong-malayo sa impyernong nakarehistro sa utak ko.
Asan ba ako napunta?
Bakit ba ako nandito? Ang tanging naalala ko lang ay ang insidente sa pagitan namin nung lalaki. Tumakbo siya at tumalon sa bangin...
At kasama ako! Shyet naman.
Pagdilat ko nalang nasa malawak na damuhan kami. May nakapalibot na mga iba't ibang klase ng bulaklak na ngayon ko lang nakita. May isang malaking puno na para bang kumikinang ang mga dahon kapag nasisinagan ng araw.
Matitingkad rin ang kulay ng damo, bulaklak, at mga nagliliparang paru-paro. Napatingala ako sa langit, matingkad rin na kulay asul at puting ulap ang nakikita ko.
Para akong nasa fantasy land...
Totoo ba talaga 'to?!
Dali-dali kong kinurot ang sarili para malaman kung totoo ba lahat.
Aray, ah!
I flinched at agad ba hinimas ang balat ko nang makaramdam ng sakit.
Totoo nga!
"Tsh! Bwisit na matandang 'yon." nilingon ko ang taong nasa likuran ko.
Parehas kaming natigilan nang mapagmasdan ang isa't isa at...
"WAHH! May pangit! May pangit!"
"AH! Bruha! May bruha!"
Parehas din kaming natigilan nang marinig ang sinigaw ng bawat isa.
Bruha daw ako?! Nginang 'yan...
Pinandilatan ko siya ng mga mata habang nagt-twitch pa ang labi ko dahil sa inis.
Bruha daw, eh!
Napahawak naman siya sa mukha niya habang nakatingin ng masama sa 'kin. Dinamdam siguro yung narinig niya mula sa 'kin.
Ha! Damhin mo! Damhin mo, kamataya—
K-Kamatayan?!
"Hoy teka!" hinatak ko ang laylayan ng cloak niya dahilan para sumalampak ulit ito sa damuhan.
"H-Hindi mo pa ako s-sinusundo?" agarang tanong ko habang pinapatay naman niya ako sa masasamang tingin.
Dinamdam talaga sinabi ko...
"Hoy!" sigaw ko na nagpatigil sa kaniya, para siyang binuhusan nang malamig na tubig sa naging tindig niya.
Narealize niya sigurong napakaganda ko namang dilag.
Dahan-dahan ring nahulog ang hood ng cloak nito dahilan upang mapagmasdan ko nang mabuti ang hitsura niya.
May mata, brown na gulo-gulong buhok, may ilong, at may bibig.
Hindi mabungo!
Tao siya! Hindi niya ako sinusundo, yes!
"YES!" masayang wika ko at tumingala. Nagsign of the cross din ako dahil sa saya.
Salamat talaga Papa Lord!
"A-anong ginagawa mo rito? BAKIT KA NANDITO?!" muntik na akong atakihin sa puso nang sigawan niya ako.
BINABASA MO ANG
Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry
FantasiaSecrets are bound to be kept. Making secrets are simple, but keeping it only from yourself in a very long time is way too impossible. ___________________________________________ "Hi!" "Halerr, ang ganda ko kaya." "Oo na kasi. Alam ko naman yun, maga...