Artemis 10

96 12 0
                                    

The Forest Witch

Trinity's PoV

Tinitigan ko siya nang masama.

Anong karapatan niyang halikan ako? Aba naman!

Kengene yan...

"You look like Ruru." natatawa niyang sambit habang may paturo-turo pa sa 'kin.

Baliin ko yang daliri mo d'yan, tamo. Sige, turo pa!

Gusto kong kagatin ang daliri niya ngunit baka may makakita sa 'kin, sabihin pang child abuse ako. Tch.

Mukha niya, child!

"Hoy, bata! Nasa'n ang bantay mo? Bawal dito ang mga magnanakaw!" nanlalaking butas ng ilong na giit ko ngunit patuloy lang siya sa pagtatawa.

Sige lang! Tawa lang!

"What did I stole?" k-k-kengene...

Trin, kahit kailan hindi ka pumapatol sa bata. Tandaan mo yan. Hinga malalim...

Pinameywangan ko nga't tinaasan ng kilay.

Matakot ka sa kilay kong natural!

"Nangnakaw ka ng halik sa 'kin. Considered as stealing na 'yon!" dinuro ko pa siya habang nagpipigil na sabunutan ito.

Hindi nga kasi ako pumapatol sa bata...

Humagikhik lang ito bago humalukipkip sa harap ko.

Akala mo naman kung sinong napakalaking tao! Itatapon ko 'to!

"Bakit mo 'ko hinalikan? Ha?!" ngumit ito sa 'kin nang mapang-asar.

Hinayufak kang bata ka!

Sa tingin ko'y nasa tatlo o apat na taon palang itong batang 'to pero ang lakas na ng apog! Juicecolored!

"Because gusto ko lang." gusto ko lang?! Gusto lang niya?! Lang? LANG?!

Okay... bata lang 'yan Trin. Umiwas sa highblood, masama sa kalusugan.

"Halika na nga. Baka 'di ako makapagpigil, patulan pa kita. Nasa'n ba ang mga parents mo? Iuuwi na kita." ang kaninang inis kong hiysura ay napalitan nang pagkalito nang makitang unti-unting nawala ang nakakalokong ngiti nito.

Yumuko ito kaya nacurious ako. Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang mukha. Nagulat nalang ako nang may patak ng luha ang dumapo sa pisngi ko.

L-Lah?! Anung ginawa ko?!

"H-Hoy, h'wag ka nang umiyak." pero mas lalo lang siyang umiyak at umatungal.

Nataranta ako't 'di alam ang gagawin.

Shengeneng buhay itu.

"Ano,...a-ano, h'wag ka nang umiyak. Bati na tayo, tumahan ka na." pagmamakaawa ko pa at himalang nag-angat ito ng tingin.

Ngumiti siya. Matamis na ngiti!

"Talaga?" abot-langit niyang ngiti kaya di ko mapigilang matawa.

Ayan, ang kyot mo dyan.

"Oo, basta h'wag mo na uulitin iyon, ah?" mas lalo siyang ngumiti nang buhatin ko na ito at naglakad.

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon