Double na si Jonica
Month have passed.
Isang buwan na ang nakalipas matapos kong mapadpad sa lugar na nababalutan ng mahika.
Ilang gabi't araw na rin akong nagsasayang ng luha sa tuwing naaalala ko ang aking pamilya. Hindi ko kasi maiwasan.
Nakakamiss sila..
Nararamdaman ko ulit ang pamilyar na pakiramdam, ang labis na kalungkutan, gayon na rin ang pag-init ng sulok ng aking mga mata.
Ayan na naman.
"Trinie!" napapunas agad ako sa mga mata nang marinig ang boses na iyon.
Hangga't maaari ayokong makita nilang ganto ako tuwing napapag-isa. Baka kasi asarin na naman ako nina Kit, lalo na ni Zigger, na ampangit ko.
Duh?! Ang ganda ko kaya, ha!
And speaking of Zigger, muli niya ulit akong tinawag sa nickname na siya mismong nag-isip.
"What iz dat, kabayong bun-"
"H'wag mokong mabundat-bundat! Andito ka na namang mag-isa!" mangiyak-ngiyak kong hinawakan ang noo dahil sa lakas ng pagkapitik niya.
Isa pa tong nag-eevolve, eh! Akala mo nung una napakagentleman at napakabait, namimitik naman!
Aysus!
Pero mabait naman talaga siya. No doubt, may kasama nga lang pitik sa tuwing nakikitaan niya ako ng kakulitan.
Vuysit.
"Nyenye, namiss mo lang ako-!"
"Ang liit-liit mo lang, pero mas malakas pa sa higante boses mo!" muli akong napahawak sa noo nang makatikim naman ng pitik galing kay Theo.
Isa pa to! Nahahawa na rin kay Zigger!
Pinagkakaisahan na naman ako ng mga 'to! Wahhhhh!
Nakarinig ako ng palihim na tawa kaya sinamaan ko ng tingin si Kit.
Kainis siya!
Palaging ganto yung role niya kapag pinagkakaisahan ako ng tatlo kaya minsan nakukurot ko yung panga niya, eh.
"Eh kasi-arAaayYyyYyyy!"
"Sumasagot-sagot ka pa!" hindi ko na naiwasang mapaupo sa sahig dahil sa sobrang sakit ng pagkakapitik ni Leina.
Ngawa ako nang ngawa dahil sa iisang spot lang ata nila ako pinitik. Ang sakit!
Mas masakit pa sa heartbreak!
Nung una lang ang sungit sungit sakin ng babaeng to tapos bigla nalang nagiging brutal! I kennat!
Mas bet ko pang sungitan niya ako kesa ganito, huhuhu!
Hanggang sa may isang kamay ang humimas sa aking noo dahilan upang mapatigil ako sa kangangawa.
Nawalang bigla ang sakit at napalitan iyon ng malamig na pakiramdam.
Napamulat ako at unang nakita ang nakangiting hitsura ni Kuya Roman habang hawak-hawak ang kanyang wand.
Oo nga pala, dating siyang Chondrian. Yung section ng mga healers.
Napangiti ako sa kanya at ganon rin ang paggulo niya ng buhok ko. Napatingin rin ako sa kinaroroonan nina Zigger at nakitang pinagbubugbog na sila ni Ate Reese at Amaris.
BINABASA MO ANG
Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry
FantasySecrets are bound to be kept. Making secrets are simple, but keeping it only from yourself in a very long time is way too impossible. ___________________________________________ "Hi!" "Halerr, ang ganda ko kaya." "Oo na kasi. Alam ko naman yun, maga...