Saving Raise
Trinity's PoV
Mariin akong napailing at mahinang napahikbi matapos masilayan ang gutay gutay na katawan ng isang lalaki.
Nakahandusay ito sa malamig na semento habang nakapalibot sa kaniya ang mga nakaitim na cloak at nagsisitawanan. Tila'y tuwang tuwang panoorin siyang pag-agawan ng dalawang malalaking asong kanilang pinakawalan.
Napasinghap ako at napakapit na lamang sa kung saan nang biglang makita ang paggalaw ng kaniyang daliri hanggang sa ang kanyang ulo na tila ba ay iniaangat.
"I can't die. I still owe my sister." sambit niya sa nanghihinang boses at nagawa pa nitong ngumisi.
Napahagulgol na ako nang tuluyan nang muli siyang paghahatawin ng kung ano anong matitigas na bagay sa kaniyang katawan.
Raise, lumaban ka...
"Trinity baby, tell me, what can you see?" mahina ngunit malalim na boses ang aking narinig ngunit hindi ko ito makita.
Tanging ang imahe lamang ni Riase na sinusubukang protektahan ang kanyang ulo mula sa mga lalaki ang ang aking nasisilayan.
"D-Daddy, si Raise..."
"Yes baby, go on. What else?"
"A clock tower... 12:30."
Pinilit kong kalasin ang aking paningin sa kaawa awang kalagayan ni Raise at inilibot ang paligid.
"M-Maraming nanonood, mga matutulis ang mga tenga. Karamihan ay maliliit ang taas."
Tiningnan ko ang mga mukha ng mga ito at nakitang may halong lungkot at galit ang kanilang mga mata ngunit pinipili lamang nilang manahimik.
"Arcane town." sambit ng pamilyar na boses na hindi ko na nagawa pang alamin.
Napatango tango ako dahil itong ito mismo ang napuntahan namin noon.
Muling lumipad ang aking paningin sa katawan ni Raise na unti-unti nang bumibigay.
Nakakuyom ang mga kamao nito at marahang iniangat ang paningin hanggang sa magkasalubong ang aming tingin.
Natigilan ito nang magkatitigan kami at sinubukang tumayo ngunit sumubsob rin dahil sa tadyak na natanggap.
Naiiyak akong lumapit sa kaniya ngunit natigilan nang makita ang sunod sunod na pagtulo ng kaniyang mga luha.
"Goddess, p-please do me a favor." nanghihina nitong ani.
Kataka taka ring malinaw kong naririnig ang kaniyang napakahinang boses sa layo ng aming distansya.
"P-Please save my sister from them." nanlaki ang aking mga mata nang makitang unti-unting pumikit ang kaniyang pagod na mga mata.
"No! Raise!"
Third Person's PoV
Mabilis na umaksyon ang mga magigiting na kawal ng palasyo sa utos na rin ng kasalukuyang hari at reyna.
Ito ay dahil sa paghingi ng tulong at impormasyong pinahatid ni Headmaster Gustavo. Nakarating rin sa kanila ang estudyanteng may precognition ability na siyang kanilang naging source upang mahanap ang kinaroroonan ng isa pang estudyanteng dinukot ng makijima.
BINABASA MO ANG
Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry
FantasySecrets are bound to be kept. Making secrets are simple, but keeping it only from yourself in a very long time is way too impossible. ___________________________________________ "Hi!" "Halerr, ang ganda ko kaya." "Oo na kasi. Alam ko naman yun, maga...