Artemis 2

154 18 1
                                    

Appare Vestiguim


Trinity's PoV

Sobrang sakit at gulo-gulo pa rin ang buhok ko. Ni-hindi ko magawang maayos dahil mas lalong sumasakit kapag hinahawakan ko. Parang may baliw tuloy na estudyante ang pagala-gala ngayon.

Baliw na maganda!

Napabuntong hininga ako at 'di na magtataka kung pagchismisan man ako ng mga taong nadadaanan ko.

Humawak nalang ako sa strap ng bag ko at pilit na binabalewala ang mga sinasabi ng iba.

Pakapalan nalang ng mukha!

"Woah, cool!"

"Hala, totoo talaga yung sinabi ng matanda!"

Nabaling ang atensyon ko sa dalawang taong makakasalubong ko. Parehas silang nakatingin sa kanilang kwintas na animo'y tuwang-tuwa sa nakikita.

Nakakawit 'yong kamay ni girl sa braso nung lalaki kaya medyo nasilaw ako. Grabe sensitive na ba mata ko sa mga magjowa?

Hahahaha

Medyo malapit na sila sa akin kaya nakita ko na nang malinaw kung ano ang kwintas na sinsabi nila. Ang gondo!

Gusto ko rin yun!

Lalagpasan na sana nila ako nang tawagin ko sila.

"Oy, sandali. Saan niyo 'yan nabili?" malapad na ngiting tanong ko pero parang natakot ata dahil sa hitsura ko.

"U-Uhmm, babe..." takot na wika ng babae at mahigpit na humawak sa braso ng nobyo nito.

Napalunok naman ang lalaki habang nakatingin sa 'kin, aherm, aminin, nagandahan lang sa 'kin—

"Run!" nagulat ako sa sinigaw nung lalaki at dali-dali silang tumakbo papalayo sa 'kin.

Ay naku, di kayo kawalan! Manigas!

Umirap nalang ako at tumuloy nalang ulit sa paglalakad. Hayaan na, magbebreak din naman sila! Duhhh.

Sa paglalakad ko ay may natanaw akong isang stall na pinalilibutan ng mga—oh mga magjowa.

Napakasakit naman niyan sa mata!

Babalewalain ko na sana nang may mapansin ako sa mga paninda nung matandang nagmamay-ari ata nung stall. Tama! Iyon nga ang nakita ko doon sa bruhang magjowa kanina!

Tumakbo na ako papunta sa stall na 'yon at napasimangot nang hindi man lang ako makasingit. Anu ba 'yan!

"Huling kwintas nalang ang natitira. Sino ang bibili?" rinig kong wika ni lola kaya no choice,

Buong lakas akong sumigaw ng darna.

"DARNA!"

Halong taka at gulat silang napatingin sa 'kin. Pati na rin ata yung ibang costumer sa kalapit na stall ni lola sa 'kin na rin napatingin.

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon