Sacrifice
Trinity's PoV
"We must continue this practical exam."
"But Professor Gustavo-"
"Silence, Professor Luhan. I know what I'm doing. Don't worry about your students. The Queen already sent her royal knights to capture the intruders."
Wala nang nagawa pa si Professor Luhan at nilingon na lamang kami ni Miki. Nakakunot ang noo nito at makikita mo ang kaniyang pag-aalala.
"Be careful. I'll take care of your classmates." usal nito at bigla na lamang naglaho sa harap namin.
Napalunok nalang ako nang mapansing mariin akong tinitingnan ni Professor Gustavo. Nanliliit ang mga mata nito at alam ko ang mga tinging iyon.
Baka iniisip niya na ako ang bumugbog kina Janice.
"Ms. Rosano-"
"Hala, Prof! Hindi po ako yung may kagagawan nun! Promise po, magkasama kami ni Miki. Kahit tanungin niyo pa po siya. Wala po sa lahi namin ang kriminal!"
"Ms. Rosano!" napatikom ako ng bibig at muling napatago sa likod ni Miki ngunit tinulak lang din niya ako paharap.
Pasimple ko naman siyang sinamaan ng tingin na kinaiwas ng tingin nito.
Vuysit ka talagang catterpillar ka.
"Ms. Rosano, I know-"
"P-Prof Gustavo, maniwala po kayo sakin. Wala po talaga akong kinalaman sa nangyari kina Janice at Dave." depensa ko pa ngunit malakas itong bumuntong hininga na para bang sukong suko nang mabuhay.
Lah.
"I'm just going to tell you two to be careful. Those intruders are not yet captured." seryosong pahayag nito na aking kinayuko dahil sa kahihiyan.
Magreremind lang pala, hehehe.
"Y-Yes po, Professor Gustavo." magalang na usal ni catter- este, ni Miki.
Napaangat ako ng ulo ngunit agad ring yumuko nang nakatitig pa rin nang mariin si prof.
"Good."
Agad akong napahawak sa batok nang bigla na lamang akong batukan ni Miki. Para pa akong masusubsob sa lupa dahil sa lakas.
"Aray ha! Inaano kita?!"
"Ang kulit mo kasi! Hindi mo pinatatapos magsalita si Prof! Hindi mo ba alam na headmaster siya?!" sermon nito sakin.
Napakamot naman ako sa kilay.
"Aba'y syempre, alam kong headmaster si Prof! Bakit ba?!"
"Alam mo pala, dapat pinatatapos mo siyang magsalita bago ka sumabat!" pangangaral nito na kinasibangot ko.
"Eh, bakit mo ako inaaway?" sibangot kong tanong ngunit inirapan lang ako nito.
"Ewan ko sayo. Kulit!" singhal niya at nauna nang naglakad.
Problema ba nun?!
Susunod na sana ako sa kanila nang bigla na lamang akong nakaramdam nang matinding panlalamig at pagtaas ng aking balahibo.
Inilibot ko ng tingin ang paligid ngunit wala naman akong nakitang ibang kahina-hinala.
Anak ng, sinusundan na naman ba ako ng multo?!
BINABASA MO ANG
Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry
FantasySecrets are bound to be kept. Making secrets are simple, but keeping it only from yourself in a very long time is way too impossible. ___________________________________________ "Hi!" "Halerr, ang ganda ko kaya." "Oo na kasi. Alam ko naman yun, maga...