Artemis 18

81 7 0
                                    

Chastone Caindrix Cawasa

Trinity's PoV

"A-Anong pangalan mo?" kahit na madilim at kaunting liwanag lang dahil sa buwan ang ilaw ay naaninag ko pa rin kahit papaano ang ngiti nito.

Hindi ko pa rin kasi makita nang maayos ang mukha niya dahil sobrang labo pa rin nun, at tanging ngiti niya lang ang nakikita ko.

Epekto ng spell..

"Magkita tayo sa Kade's Garden. Dun ako magpapakilala."

"Hoy Trin! Nakikinig ka-Teka. Anong nangyari d'yan sa pisngi mo?!" napaigtad ako dahil sa sigaw na iyon ni Ate Reese.

Wala kasi akong pinagsabihan nang nangyari sa 'kin kagabi kaya...

Patay...

"Ah, kinamot ko. Kumati eh, hehe." maniwala kayo sa palusot ko!

"Parang hindi naman! Namamaga, oh!" sasampalin ko tong Si Kit!

Chismoso!

"Kaya nga, kinamot ko nga kasi tapos ayan namaga na." maniwala kayo, plis!

*/cross finger

Lumapit si Maris sa akin at hinawakan ang mukha ko na para bang sinusuri iyon, ganun din ang ginawa ni Ate Reese at Zigger.

Patay na!

"Bakit may bakat ng palad-"

"Tumambling kasi ako kagabi sa damuhan kaya ayon kinamot ko nang kinamot. Nasampal-sampal ko pa nga kasi grabe yung kati!" please, nagmamakaawa ako maniwala na kayo!

Halatang hindi sila naniniwala sa palusot ko kaya naman ginawa ko na ang pinakatatago kong teknik!

Nagpacute ako at nagpuppy-eyes sa kanila dahilan upang mapangiti nalang ang mga ito.

Oha! Oha!

"Guys, kumain na-Bakit ganyan ang pisngi mo Trin?" si Kuya Roman na kakapasok palang kaya napangiti ako ng alanganin.

"Kinamot-"

"Anu ba yan?! Puro tanong nang tanong! Ayaw magsitahimik, iisa lang naman ang tintanong niyo! Arghh, I can't believe this!" at nagpapadyak palabas si Leina na kinangiwi ko.

Nagtama rin ang paningin namin ni Zigger at agad rin akong umiwas nang bigyan niya ako nang makahulugang tingin.

May alam siya...

"Anyare dun?" si Kuya Roman habang sinusundan ng tingin si Leina.

"Kamusta naman, Trin? May mga kaibigan ka na ba?" si Marie na katabi ni Kit, obvious naman kasing nagpapacute itong si Kit sa kaniya pero dinideadma lang niya.

Bwahahahahaha

"Yeeees! Sina Rico at Jonica!"

"Mabuti naman." ngumiti pa siya sa 'kin at muling nagbasa ng kung anong sobrang kapal na libro.

Nilibot ko nalang ang tingin sa loob ng council office nila. Yayamanin din naman pala! Biruin mong nasa salas ka ng palasyo!

Napadako din ang tingin ko kina Ate Reese at Maris na busy sa kung anong pinag-uusapan. Sina Marie na nagbabasa na katabi si Kit na dumadamoves sa kaniya. Si Leina na kakalayas pa lang. Si Kuya Roman na nakaupo lang sa mukhang pang-hari na upuan na malalim na nag-iisip.

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon