Park Ji-hyo as Reese Florencia (above)
Reminder: Chastone Caindrix is not Chase. Ang full name ni Chase is Chase Lincoln Lucrifé.
First task
Trinity's PoV
Stone?
Mabilis akong napaupo nang ayos at kinusot ang dalawa kong mata.
Malay ba nating baka niloloko lang ako ng aking naggagandahang mga mata.
Mas lalo akong natigilan nang makita ang paglingon niya sa aking direksyon. Ngumiti ito nang wagas at..
"Hi Trie!" ay..
Napangiwi nalang ako at umiwas ng tingin. Hindi naman 'Trie' ang pangalan ko, hindi nga siguro siya yung stone na nakilala ko.
"Trinity Forest, hi!" pangalan ko yun, ah!
Muli kong ibinalik ang paningin sa kanya at nakita itong kumakaway habang paulit ulit na tinatawag ang aking pangalan.
Wahhhhh!
Si Stone nga! Hihihi
"Hi din, Tonton!" hehehe, with matching kaway kaway pa yan, ha.
Ang galing! Nakita ko ulit siya.
Natigil lang ako sa pagkaway nang mahagip ng aking paningin ang katabi kong si Chi. Nilingon ko siya at..
Ayan na naman ang masamang tingin niya!
Vuysit na to, inaano ko na naman ba siya, ha?!
"Anu na naman?!" inis kong turan at sumibangot.
"Ask yourself." kita niyo. Kita niyo! Tinatanong tapos sa akin ipapasagot yung tanong ko?
Paano ko naman tatanungin sarili ko.. Ano na naman kaya pinaghihithit nutong lalaking ito.
Inirapan niya ako at mas lalong lumukot ang mukha nang makita ang mga taong nakatingin sa direksyon niya.
"WHAT?!" bulyaw niya na kinaiwas ng tingin ng lahat.
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay bago inirapan nang pagkatindi tindi.
Kala mo kung sinong prinsipe makaasta. Tsk.
"Hihihi." napahagikhik muli ako nang makitang palihim na kumaway sa akin si Stone.
Lumingon muli sa aking direksyon si Chase at sinamaan ako ng tingin. Magsasalita pa sana siya nang umalingawngaw ang boses ni Professor Luhan.
"Hanlon section, please come in front." nakalabi akong tumayo at sumunod kina Jonica sa harap.
Kaunti lang kami, sa tansya ko nga ay mga nasa twenty lang kami kaya naman hindi namin ganon nasakop ang stage.
Hindi ko mapigilang hindi mapanganga nang mapalapit mismo sa unicorn.
Ang ganda niya! Wahhhhhhhhh!
BINABASA MO ANG
Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry
FantasySecrets are bound to be kept. Making secrets are simple, but keeping it only from yourself in a very long time is way too impossible. ___________________________________________ "Hi!" "Halerr, ang ganda ko kaya." "Oo na kasi. Alam ko naman yun, maga...