Artemis 12

88 11 0
                                    

Engorgio

Trinity's PoV

"That will be your activity for today. You have five hours to practice. And if any of you successfully performed it, I will let you borrow the book of spells. Goodbye."

Napatampal ako sa kanang pisngi nang may dumapong insekto dun. Kanina pa ata nito inubos dugo ko nang di ko alam.

Kengene.

"Hoy!"

"Ay, hayop!" napahawak ako sa dibdib dahil sa sigaw na iyon ni Rico sa mismong tenga ko.

Sigawan ba naman sa tenga.

"Ouch ah, ouch." umirap siya at pabagsak na umupo sa katabing upuan ko, sumunod din sa kaniya si Jonica na umupo naman sa armchair ng inuupan ko.

Abang babae itu.

Hinampas ko nga sa hita. Maninira pa ng armchair, may upuan naman.

"Kanina ka pa tulaley d'yan, 'di ka nakikinig kay Ma'am Selena." si Jonica matapos niyang manghila ng bakanteng upuan at pinwesto iyon sa harap namin ni Rico.

Sumibangot lang ako at sinagot sila.

"Nakikinig kaya ako." wika ko ngunit tinaasan lang ako ng kilay ng dalawa.

Nakikinig naman talaga ako eh, kung hindi lang sana ulit pumasok sa isip ko yung eksena kahapon. Grrr!

"Ay, talaga ba? Sige nga, para saan ang practice na gagawin natin ngayon aber?" mataray niyang tanong at diniinan pa ang salitang practi-

Ay, teka. Practice daw?

"Practice?" wala naman akong narinig na magpapractice, ah?

Lutang ka kasi d'yan...

He! Manahimik.

Luminga-linga ako at napansing kakaunti nalang kaming nandidito sa room at wala na ring Ma'am Selena'ng makikita.

Ano bang meron? Hindi pa naman time ah?

Mas lalong tumaas ang kilay ng dalawa at mahina pa akong binatukan ni Jonica.

"Ang galing mong makinig, ah?" nagpeace sign nalang ako sa kanilang dalawa at alanganing ngumiti.

Pasensya na, ganito talaga 'pag magandang dilag.

"Ano ba kasing iniisip mo? Yung nangyari pa rin ba kahapon?" si Joncia kaya napakamot nalang ako sa ulo.

Eh, kasi...ganun na nga, hehehe.

Nagsimula na kaming maglakad palabas at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Dakilang tagasunod lang ako.

Magandang tagasunod, ehe.

"H'wag mo nang isipin 'yon. Ang student council na ang bahala sa nakaka-funyeta at walanghiyang Francis na 'yon." saad ni Rico na sinang-ayunan din ni Jonica.

"Anong gagawin ng student council sa kaniya? Paparusahan ba?" inosenteng tanong ko at pinagtagpo-tagpo ang dalawang hintuturo habang nakayuko.

"Naku, h'wag naman sana, kawawa naman kasi..." guilty kong bulong at hindi maiwasang mag-alala.

Nasampal ko na nga siya kahapon eh, though, nadala lang naman ako, sapat na 'yon.

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon