Artemis 17

84 8 0
                                    

Bully

Trinity's PoV

"'Di ba siya 'yon?"

"Yeah, siya nga."

"Grrr, that bitch!"

"Malandi."

"Oy Trin, tara dali!" tawag ni Kuya Roman kaya mabilis pa sa alas quatro akong tumakbo papunta sa kanila.

Silang tatlo lang nina Kuya Roman, Theo, at Tobby ang magkasama kaya nagtaka ako.

"Asan sila?" ngumiti lang si Kuya Roman habang si Theo naman ay pinat ako sa ulo. "Nagte-training pa." si Tobby ang sumagot at humikab.

Napahikab din ako dahil sa kaniya. Ano ba 'yan?

Wala pa naman akong maayos na tulog kagabi, hayyyy..

"Eh, kayo? Tapos na kayong magtraining?" tanong ko pa ngunit inilingan lang nila akong dalawa habang si Tobby nama'y nag-anyong pusa at tumalon sa 'kin.

Buti na nga lang nasalo ko.

"Well, pahinga muna kaming mga boys. Hiwalay kasing magtraining ang boys and girls." si Kuya Roman ulit ang sumagot habang naglalakad.

"Eh nasa'n sina Kit at Zigger?"

"Si Kit hihintayin pa raw si Marie, si Zigger? Ewan ko ba dun biglang nawala."

Nasa malawak na field kami dumaan. Ewan ko ba sa kanila kung bakit dito kami dumaan, at sa pinakagitna pa talaga, ha! Umaga pa naman ta's ang init!

Ma-haggard agad beauty ko.

"Trin, I've heard kaibigan mo sina Bluu. Is that true?" si Theo na sa wakas ay nagsalita na.

Ngingiti lang kasi siya tapos ay 'di na magsasalita.

Akala ko nga napipi na.

"Ahh oo, yes na yes!" nagkatinginan silang dalawa ni Kuya Roman pati na rin si Tobby na umangat ang ulo at nakitingin sa kanila.

"Bakit?" takang tanong ko, para kasing may gusto silang sabihin tapos yung mga hitsura nila parang...

Natatae...

Umiling lang silang dalawa habang si Tobby nama'y bumalik sa pagtulog.

"Nga pala Trin, wala namang nambubully sa 'yo rito?" si Kuya Roman kaya nginitian ko lang sila na abot hanggang mata.

Meganon? Hehe..

"Wala 'no! Ambait nga nila eh!" ambait talaga pramis!

Lalo na 'yong mga umiirap at tumitingin nang masama sa 'kin, ambabait! Sarap dukutan ng mata!

"Buti naman. Tara sa canteen." aya niya na kinagulat ko.

May canteen sila?!

"May canteen kayo?!"

"Oo naman. Dun pwedeng bumili ng snacks kung hindi pa oras ng breakfast or lunchtime." so all this time may canteen sila na pwedeng bilhan ng mga snacks?!

Nagpakahirap akong magpakagutom kapag dinadalaw ako ng gutom sa gabi tapos malalaman kong may canteen pala sila?! Aba!

Ibalik nila taba ko!

"Anong gusto mong kainin-" pinutol ko ang sasabihin ni Kuya Roman at ngumiti sa kanya nang napakatamis.

Beautiful smile tayo d'yan.

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon