Artemis 4

118 12 1
                                    

We are Sorcerers

Trinity's PoV

Tulaley...

Nganga...

Pilit na iniisip kung paano nangyaring napunta sa ganitong klaseng lugar.

At kung,

Ilang oras na ba akong nandidito?

Paniguradong namumuti na ang dalawang magaganda kong mata kakahintay do'n sa babaeng...

Babaeng parang si ate.

Hindi mo siya ate. Asumerang frog!

Oo alam ko! Manahimik!

Bigla akong napatayo nang may marinig na mga boses.

Hindi ko iyon maintindihan nang maayos dahil mukhang malayo pa ata sila sa pwesto ko. Ilang segundo rin ang hinintay ko bago ko sila matanaw na papalapit sa 'kin.

Akala ko siya na 'yon pero nagkamali ako. May isang lalaki ang tumatakbo papunta sa direksyion ko habang may kung anong hawak sa kanang kamay nito.

"Congrats, brother! Binata na tayo ngayon, naks!" pang-iinis niya habang tumatakbong nakatingin sa isang litratong hawak.

Bago niya pa ako lampasan ay napansin na niya ako pero tumakbo ulit, ngunit...

Nang ilang segundo lang ay bumalik siya sa harap ko at nangingiting tumingin sa 'kin.

"Oh, anong ginagawa ng napakagandang binibini rito?" tanong niya at kunwari'y nag-iisip kung anong ginagawa ko rito.

Ehe, megende raw? Ahihihi...

"You must be new?" dagdag pa niya habang nakangiti ngunit hindi ako sumagot.

Dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang sasabihin ko.

"Anong section ka nabibilang?" tanong niya ulit na interesadong-interesado sa sagot ko.

Siguro sa section niligaw at di na binalikan.

Ngunit hindi pa rin ako sumagot sa halip ay tiningnan ko ang mukha niya. Oo gwapo siya, pero mas lamang sa kaniya si Calvin-yuck! Erase, erase.

Maputi siya, asul na mga mata- foreinger siguro sa koya, matangos, pinkish lips, matangkad, at bagsak ang asul- Lah!

Asul ba talaga 'to, o tubig?! Parang tubig na asul na umaalon yung buhok niya, katulad ng sa dagat!

Ay, naku. Style lang 'yan! Style!

Nakasuot rin siya ng gaya sa uniform nung dalawang babae kanina ngunit parang mas matingkad ang kulay ng sa kaniya.

Magsasalita pa sana siya pero...

"BLUU DOMINIC!" may sumigaw na kinagulat ko.

N-Nakakatakot...

"He's here." natatawa niyang ani, 'di man lang nangilabot.

Weh, matapang ka? Matapang?

"See you next time, milady." mabilis niyang kinuha ang kaliwang kamay ko at...

At hinalikan iyon.

Err.

Tumakbo na ulit siya paalis at nakaramdam naman ako ng kakaibang pakiramdam. Para akong nangingilabot at naiinitan na hindi ko alam kung bakit.

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon