Artemis 16

84 9 0
                                    

Their Friend

Trinity's Pov

"Owshiii! Yung pinakafavorite ko talaga ay sinigang!"

"Are you kidding me, woman?! Yun din ang paborito ko! Maybe you are our long lost sister!"

At natawa nalang ulit kaming dalawa ni Iggy.

Naglalakad na kami papunta sa classroom ko dahil nga naligaw ako sa DORMITORY NILA.

Omsim, dormitory talaga.

Hindi ko alam, as in never in my life, na aakalain kong malapalasyo ang loob ng dormitory nila!

Hindi ko rin alam kung paano nakapasok yung pixy na sinundan ko kahapon pati na rin ako sa dorm nila. Pinaliwanag kasi ni Iggy na walang ibang makapapasok sa loob nun kung walang pahintulot o hindi naman isa sa kanila.

Okay, so, bakit nga kami nakapasok?

"Ang ingay.." ayan na naman siya ha, sinamaan ko nga ng tingin.

Kanina pa yan, eh!

"Kesa naman sa 'yo, pangit na nga, bading pa. Nyee!" parinig ko rin.

Akala mo ha..

"Anong sabi mo?!" at nang muling lingunin ko ito ay pasugod siya sa 'kin. Buti nalang nga't hinatak siya pabalik nina Killian at Bluu.

Binelatan ko rin siya kaya mas lalong umarko ang kilay nito. Oh, kita mo, maldita version ata to ni Rico, eh!

"Anong section ka nga ulit, Trin?" tanong ni Clint, Iggy's twin na nasa likuran din namin.

Nagsmile naman ako sa kaniya.

"Ah, sa Hanlon Section ako. Ang pinakaastig na section sa lahat!" pagmamalaki ko pa kaya natawa nalang din sila.

Sa field kami dumadaan at wala na rin akong ibang estudyanteng nakikita, marahil ay nasa classrooms na ang mga iyon.

Oo, late na ako. Tanggap ko naman pero kasi... Patay talaga ako kay Sir Luhan!

"Magkakilala na ba kayo ni Chase?" biglang tanong sa 'kin ni Iggy nang pabulong.

Agad naman akong napakunot-noo sa sinabi niya. Ano daw? Cheese?

"Sinong Cheese?" takang tanong ko ngunit nagulat nalang ako nang tumawa silang magkambal.

"Chase kasi, hindi cheese." pagtatama ni Clint kaya napatango-tango ako.

Pero sino ba yung Chase? Wala naman akong kilalang Chase.

Pero ang fugi nung name, ha. Ahihihi

"Yung sinabihan mong bading." natigilan ako dahil sa dinagdag ni Iggy.

Does he mean na name yun ni-

Ay, hindi pala pogi yung name niya. Wala akong simabing fugi yung name niya, ha. H'wag kayong bintangero.

"H-Hindi, ah! Hindi ko nga alam name niyan, eh!" pinasadahan ko ulit ng tingin si Cheese at napansing sinasamaan niya ako ng tingin.

Inirapan ko naman siya.

"Hindi ko naman yan kilala tapos bigla nalang akong tatawaging krazy! Tapos engot! Grabe siya, ha."

"Totoo naman, tss." hindi ko nalang siya pinansin kahit na nagpipigil lang akong sabunutan siya.

Nakooo, mali ka ng kinalaban!

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon