Practical Exam
Trinity's PoV
"But of course, before that, I will explain the mechanics for this exam first." napahawak ako sa braso ni Jonica nang makaramdam ng kaba.
Malapit na, ilang minuto nalang.
Hindi na din ako pinansin pa ni Jonica dahil mukhang siya rin ay kinakabahan.
Juicecolored.
"There are three stages for this practical exam and you will be under the illusions. The first stage is the battle of courage. You need to surpass everything that you will encounter. The key for this stage is the word courage itself." inilibot nito ang paningin sa aming lahat.
"The second stage is the battle of believing. The keys for this stage are teamwork and leadership." teamwork and leadership?
"As you see, you will be randomly paired with one of your classmates. And he or she will be your partner until the two of you successfully surpass each stage. But, if that partner of yours will be eliminated, you will be the only one who can go to the next stage." magkakaron kami ng kapartner?
Mabuti naman! Yesss!
"Also for this stage, you will be fighting against 4 sections of Veatarts. So, do all your best to beat them in order to enter the third and last stage." wait, against 4 sections?!
"And the last stage will be the battle of ways. The key for this one is intelligence. Use your intelligence to win against your opponent." napahugot ang aking hininga nang tumayo na nang maayos si Professor Gustavo.
"There is only one rule, don't kill." nangilabot naman ako sa sinabi nito.
D-Don't kill talaga?!
Natawa naman ito dahil sa narinig na singhapan at mga natatakot at kinakabahang ekspresyon ng iba.
"Always remember that teamwork, leadership, courage, and believing in yourself leads you to a great victory." inilagay nito ang magkabilang kamay sa likod at naglakad lakad sa mataas na platform.
"That will be all my dear students, goodluck for your exam!"
Umupo siya sa upuang nakalaan para sa mga professors ng academy. Nasa itaas lang din yung ng platform kung kaya't hindi na siya nag-abala pang bumaba. Sumunod namang tumayo si Professor Luhan na siyang kinatili agad ng lahat.
Lalo na ng section namin. Eherm, siya ata teacher namin.
"May I call the Gaumond section." anunsyo nito at bigla na lamang tumayo ang mga naka-pale yellow shirts.
"Please proceed to the center." maraming naghiyawan nang tuluyan na silang bumaba patungo sa sentro ng arena.
"Heiki section, proceed to the center." anunsyo muli ni Prof Luhan at bumaba naman ang mga nakagray shirts.
"Chondria section, please proceed." bumaba naman ang mga nakayellow green.
Bawat anunsyo ni Prof ay mas lalong nadadagdagan ang kaba ko. Ni-hindi ko na rin magawang makaimik, gayon na rin ang mga kaklase ko.
"Brassard section, please proceed." nagsitayuan naman ang mga nakaviolet at malawak ang mga ngisi nitong nagsikawayan pa sa lahat.
Ay, mga papansin.
Inirapan ko nalang sila at itinuon ang pagpapakalma sa sarili.
"Humphrey section, please proceed." nagsitayuan ang mga nakasky blue shirts at mga magagalang nitong iniyuyuko ang mga ulo sa mga estudyanteng nadadaanan nila.
Ang babait talaga ng mga 'to.
"Hanlon section, please proceed to the center." lahat ay natigilan. Mismo kami ay natuod nang marinig ang pangalan ng aming section.
Hindi pa siguro kami yun, hehehe...
"I repeat. Hanlon section, please proceed to the center." pag-uulit ni Prof Luhan dahilan upang matauhan kami at nahihiyang nagsitayuan.
Wala man lang ni-isa ang humiyaw para sa amin. Edi don't, ano sila gold?
Nakayuko lang kami habang pababa sa sentro nang bigla kaming makarinig ng isang malakas na palakpak.
Nanggaling iyon sa kabilang side ng arena at sa pangalawang row.
"Wooh! Go Hanlonians!" napakagat labi ako nang marinig ang boses ni Ziggy na sinundan naman ni Kit.
"Go, go, go! Break it down, yo!" nakita ko namang binatukan siya ni Ate Reese.
"Go Trin!"
"Go sister!"
"Go Trinity, aylabyu!"
Sinamaan ko ng tingin si Ziggy dahil sa huli nitong sinabi. Papansin talaga.
Ngunit, naging hudyat naman iyon upang magsimulang maghiyawan ang lahat. Mas lalo akong natuwa nang makita kong nagchicheer din sa amin sina Killian at Bluu, pati na rin sina Iggy at Clint.
H'wag nalang nating pag-usapan si Cheese. Wala namang paki yun, parang galit na naman nga sakin.
Aahitin ko talaga kilay nyan, eh.
Tuluyan na kaming nakarating sa sentro at kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng aming loob. Sapat na ang hiyawan ng iba upang mabigyan kami ng lakas upang magpatuloy.
"O to the M to the G, did you see that bakla? Chineer ako nina fafa Bluu at Killian! I'm so kenekeleg!" malanding tili ni Rico habang nakakapit sa aming dalawa ni Jonica.
Binatukan naman siya ng isa.
"Kahit kailan, ang feeler mo!" inirapan lang din siya nito at muling tumili.
Napailing nalang ako dahil kanina ay masahol pa sa may dalaw ang baklang to tapos ngayon ay kikilig kiligin.
"Angels, please proceed." natanaw naman namin ang mga nakaorange shirts na pababa.
"Also, our transferees. Please proceed to the center." bumaba naman lahat ng mga iba iba ang kulay ng damit.
Ohh, kaya pala.
Nakapalibot kami sa arena kung kaya't kitang kita namin ang pagmumukha ng lahat ng mga ibang sections at transferees.
"And lastly, the Grimoire section. Please proceed, your majesties." napapalakpak naman ako nang makitang bumaba sina Kuya Roman.
Ngunit ganon nalang ang pagtataka ko nang makitang kasunod din nilang bumaba ang lima, sina Bluu.
Mas lalo pang nangunot ang aking noo nang makitang kasama din nilang bumaba ang pesteng damuhol na si Cheese. Nakakunot rin ang noo nito at mukhang galit na galit.
Nakita ko pang tinapik ni Killian ang balikat nito bago sila tuluyang makapwesto sa sentro.
Naglandas naman ang aming mga paningin at parehas naming inirapan ang isa't isa.
Baklang yun. Hahamunin na naman ako!
"And now, let the exam begin!"
Tale of the Artemis Stone
by dead_paradoxcs
Plagiarism is a no-no word.Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry
FantasiSecrets are bound to be kept. Making secrets are simple, but keeping it only from yourself in a very long time is way too impossible. ___________________________________________ "Hi!" "Halerr, ang ganda ko kaya." "Oo na kasi. Alam ko naman yun, maga...