Prologue

546 24 2
                                    

Ang sabi nila, kapag daw may dumaang bulalakaw o di kaya'y shooting star sa langit, kailangan mo daw magwish. Lahat ng mga inipon mong kahilingan sa loob ng isang taon ay kailangan mong ihiling sa shooting star na iyon. At bakit?

Simple lang.

Magkakatotoo ang kahilingan mo.

Hindi ako gano'ng naniniwala sa mga sabi sabi, pero mismong si mommy na ang nagsabi sa akin noon kaya naniwala ako.

Tuwing gabi, lalabas ako ng aking kwarto at didiretso sa labas upang pagmasdan ang langit at maghintay ng daraang shooting star.

Minsan bigo akong makita sila, pero kadalasan nama'y tagumpay ko silang nasisilayan kung kaya't parati akong nakangiti habang nakapikit ang mata at walang prenong ibinubulong sa hangin ang lahat ng aking kahilingan.

Pati na rin kahilingan ng ibang tao ay naihihiling ko na rin, basta ba agaran kong naaalala.

Pero sa lahat ng mga kahilingan ko, isa lang ang pinakahinihintay kong matupad. Iyon ay ang mahanap ang dalawang mahahalang taong nawala sa buhay namin.

Ang mahanap sina Ate at Mommy.

Maraming hindi inaasahang nangyari sa buhay namin. Ang una'y kwestyonableng pagkawala ni Mommy na sinundan naman ng pagkawala ni Ate. Sinundan pa iyon ng pag-aaral ni Kuya sa ibang bansa.

Ang hindi ko lang talaga pinakainaasahan ay ang mapunta sa mundong hindi ko lubos maisip na aking mapapasukan.

Ang lugar kung saan naninirahan ang mapapanganib at nakakamanghang mahika.

Dahil iyon sa aksidente, pero patagal nang patagal, habang nananatili ako rito'y unti-unti kong nabubuksan ang mga sikretong kay tagal nilang inilihim sa akin.

Gusto kong malaman at magtanong,

Aksidente lang nga ba ang lahat?

Tale of the Artemis Stone
by dead_paradoxcs
Plagiarism is a no-no word.

Thank you for reading!

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon