Artemis 9

94 12 0
                                    

Den Magiska Formeln

Trinity's PoV

"Breakfast and lunch are usually held in the dining hall. There will be someone that will announce it, kaya pumunta ka nalang sa dining." napailing nalang muli ako dahil sa naalalang sinabin ni Ate Reese kanina.

Paglamon na naman kasi nasa isip ko. Anu ba yan!

Makapamasyal na nga lang.

Naglakad ako papuntang harap ng elemental dormitory. Sa lahat-lahat kasi ng castle na nakita ko'y ito na nga talaga ang pinakamaganda.

Kinabog pa yung mga castle sa fantasy movies na napanood ko!

Gusto ko sanang makapasok kaso lang baka bawal, gawin pa akong kriminal.

Ang ganda ko namang kriminal nun!

Pinagpatuloy ko ang paglalakad habang nagmumuni-muni. Nakarating ako sa pinakalikuran ng elemental dormitory at nagtaka sa nakita.

Bakit nandito yung garden na pinanggalingan ko?!

Mabilis akong pumasok sa loob ng garden na 'yon at inilibot ang paningin.

Tama nga! Ito 'yon!

Pero bakit meron ring daanan do'n sa likurang bahagi ng barrier ng academy?

Panu nangyari yun?!

Naglakad nalang ako nang naglakad hanggang sa mapadpad ako sa pinakagitnang bahagi ng garden kung saan makkkita ang fountain at statue sa gitna.

Doon nakatayo ang isang rebulto ng lalaki na nakasuot ng kapa at korona. May hawak siyang crossbow sa kanang kamay at sa kaliwa nama'y isang...bato?

Teka, dyamante ata yun!

Kulay sparkling silver ang buong statue ngunit ang kulay ng dyamanteng iyon ang tanging naiiba.

Kulay asul iyon at lumulutang.

Ano kaya 'yon? Baka may magtangkang nakawin iyon lagot na.

Umupo nalang ako sa harap ng fountain at inentertain ang nga bulaklak na nakapalibot rito.

Ang ganda talaga ng mga bulaklak nila rito, mababango at sobrang tingkad ng mga kulay! Kaso lang ang iba'y 'di pa bumubukadkad.

Hmmm, may glow in the dark flowers ba dito? Hihi.

Upang malibang ang sarili'y kinantahan ko nalang ang mga ito. Wala namang makakakita, ako lang naman nandito.

"Bubuka ang bulalaklak
Papasok ang reyna
Sasayaw ng cha-cha
Ang saya-saya~" kinembot kembot ko pa ang beywang habang kumakanta, ito kaya ang pinakapaborito kong kanta.

Ahehehehe

"Boom tiyaya, boom tiyaya
Boom yeah yeah
Boom tiyaya, boom--WOW!" nanlalaking mga mata kong tiningnan ang mga bulaklak na nagsibukadkad sa harap ko, at mas lalong namangha nang lahat sila'y isa-isang nagkinangan!

Hala! Hala! Hala-!

"Tsk! Pwede bang itikom mo 'yang bibig mo? Ang ingay!" natahimik ako dahil sa narinig, hinanap ko rin ang nagmamay-ari ng boses nun ngunit wala naman akong makita.

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon