Artemis 21

100 10 0
                                    

Looked like her

Killian's PoV

I don't really know why she was chased by a giant snake.

Walang ahas na paggala gala sa loob ng academy, maliban nalang kung galing iyon sa isang spell.

Muli kong pinagmasdan ang tulog niyang mukha. Mahimbing ang pagkakatulog niya at paminsan pa'y napapangiti dahil siguro sa dream spell na ginawa sa kaniya ni Professor Luhan.

Matapos ko siyang iligtas sa malaking ahas ay bigla nalang siyang nahimatay.

I was shocked nang marinig ko ang mabilis nitong heartbeat na pinalitan ng unti-unting pagtigil habang kinakarga ko siya patungo sa healing room.

Her heart stopped beating for a moment na nagpakaba sakin.

Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin dahil alam kong hindi siya magagamot sa healing room lang.

But then, I saw Professor Luhan together with Professor Lim. Tinawag ko sila at dali-dali naman akong inalalayan sa pagkarga sa walang malay na si Trinity.

Dinala nila kami sa mismong dorm ni Trinity at dun nila ito ginamot. When I laid her in bed, her heart started beating again.

Hindi ko alam kung bakit naging ganon ang kalagayan ng pintig ng puso niya, but I was relieved nang marinig ko mismo ang pagpintig muli nito.

I am an air element user, I can hear everything around me.

"You really looked like her." napangiti ako nang mapait dahil sa nasabi ko.

Unang beses palang na nakita ko siya sa dining hall ay akala ko'y nakabalik na siya rito but I was wrong.

Kahawig niya lang pala ang babaeng ito.

"I know, you two are connected. Kaya hindi ko hahayaang may mangyari muling masama sayo, Trin." sumandal nalang ulit ako sa upuan at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto niya.

Sakto lang ang laki nito, hindi gaya ng room namin sa elemental dormitory. Napupuno ng kulay pink ang buong wall niya at naroroon pa ang mga kung ano anong abubot na nakasabit sa wall na kinatawa ko.

May pagka-isip bata rin.

Hey, do you think she have powers?

Hmm? Why'd you ask?

Paano siya nakapasok sa Kade's Training room kung that's exclusively for elemental users only?

Natigilan ako nang muli kong mapagtanto ang nangyari kanina.

I don't know...

Bago pa siya makapasok sa training room kanina ay naririnig ko na ang boses niyang humihingi ng tulong, but hindi ako makalabas dahil tinatapos ko pa ang training ko na under ng illusion spell.

Sakto namang pagkapasok niya ay natapos ako sa training kaya pawisan ako nang makita niya ako.

"Killian where the hell are you?!"

"Kanina ka pa namin hinahanap, dude! Nambababae ka ba?! Ha?"

"Ian, magsisimula na ang grouped training!"

"Oo nga! Halika na dito! Pepektusan na kita!"

Napailing nalang ako nang marinig sa hangin ang mga boses nila, halatang naiirita at kanina pa naghihintay.

"Train without me, mamaya pa ako makapupunta dyan." bumulong ako sa hangin and I controlled the air.

Surely making it's way to those four.

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon