Artemis 40

70 4 0
                                    

Deluded

Trinity's PoV

"Saan punta mo mamaya, Trie?"

"May mission ako.."

"Anong mission mo?"

"Magbantay ng library."

"Oh, eh bakit malungkot ang tinig mo?"

Bumuntong hininga ako at pumangalumbaba sa lamesa.

"Gusto ko sana yung may action.."

Gusto ko yung may makakalaban kang kontra bida tapos magtatagisan kayo ng combat and casting skills. Tapos akala nila mahina lang ako kaya minamaliit nila ako, yun pala mas malakas ako sa kanila tapos sinilaban ko sila ng apoy na isa sa kapangyarihan ko. Dinagdagan mo pa ng malamig na hanging nagpangatog sa kanila. Kasunod yung pagkalunod nila sa tubig na nanggaling din sa aking katawan at huli ay ang pagkain ng lupa sa kanila.

Bwahahahahaha, ang astig nun!

"Pft.."

"Haha, ang funny mo naman te."

"Taas pangarap natin, ah."

Bumusangot ako sa tatlo at inirapan nalang sila ng pagkatindi tindi. Pakialam ba nila sa imahinasyon ko?

Hmp!

"Bahala na nga kayo dyan! Tsh." busangot akong nagpapadyak palabas ng room at tinahak ang lugar kung saan ang sacred library.

Matatagpuan ito sa tagong lugar. Malapit sa back entrance ng Veatarts Academy na napapaligiran ng matatayog at malalaking puno.

"Trie! Wait!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at natanaw si Stone na tumatakbo papunta sa akin. Nakalagay ang isa niyang kamay sa likod habang ang kabila nama'y kumakaway sa akin.

"Saan ka pupunta? Samahan na kita!" sigaw niya mismo sa aking pagmumukha na aking kinangiwi.

"Bastos naman, ihh. Hwag mokong sigawan sa mukha, yung laway mo!" inis kong bulalas at itinulak ang kanyang mukha palayo sa akin.

Ang lapit lapit kasi, kakasura kaya. Duhh..

"Saan ka pupunta?" ulit niyang tanong na kinabuntong hininga ko.

"Sa ano.." pwede ko bang sabihin yung lugar ng library?

"Ano?"

"Basta sa ano.." ay, hindi nga pala pwede..

"Sa ano nga?"

"Basta nga sa ano." sabi kasi ni Madam Lee, kami lang dapat ng mga officers ang nakakaalam nun.

"Puro ka ano nang ano dyan, eh! Heto nalang nga't lamunin mo yan bago ka pumunta sa anong yan!" iritang saad niya sa akin at iminwestra ang isang ice cream na punong puno ng toppings sa aking harap.

Sa isang iglap ay biglang lumisan sa aking katawan ang pagkairita at napalitan ng saya. Wahhhhh!

My favorite!

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon