Artemis 46

55 3 0
                                    

Nikolai Ree

Trinity's PoV

"Trin, go east!"

"T—Teka Maris. Saan ka pupunta?!"

"Basta. H'wag ka nalang lumingon lingon sa likod. Nakasunod lang ako." malumanay niyang sabi sa aking isip na siyang kinatango ko na lamang.

Hindi ko na inabala pang punasan ang mga luha sa aking pisngi. Natuyo na iyon kakatakbo namin papalayo sa mga naghahabol sa amin ngayon.

May nakakita kina Zigger at Kit kaya naman nagkagulo na. Maraming pinakalat na tauhan ang makijima at pinaghahanap kaming mga kasamahan nina Kit.

Ilang mga bakanteng kwarto at malalaking statues or vases na ang pinagtataguan namin para masalisihan ang mga nanghahabol pero parang mas dumadami pa ata sila.

Kalorkey.

Para lang nga kaming naglalaro ng tagu—taguan with a twist. Literal na mapapatay kung sino ang mahuhuli.

Sinunod ko ang sinabi sa akin ni Amaris at walang lingon lingong tinakbo ang hallway na sinabi niya.

"We saw the sacred book! It's in the north part of the castle. May makikita kayong meeting hall at nasa loob ng isang glass box ang libro. Kung sino man ang malapit sa sinasabi ko, go get it!" nagmamadaling sabi ni Kuya Roman na halatang may kinakalaban.

Napalunok naman ako nang makitang wala na sa aking likuran si Amaris.

"Amaris?! Nasaan ka?!"

"Don't come back! Get the book, Trin!" huminto ako sa pagtakbo at tinitigan ang likuran ko.

Nagbabasakaling napatid lang siya sa kung anong bagay kaya medyo natagalang sumunod sa akin. Pero wala.

"Trinity, keep going!" biglang sigaw niya sa akin na siyang kinapikit ko.

Mariin kong kinagat ang aking labi habang pinipigilang maiyak. Ayokong isiping napahamak siya. Please, sana maayos lang siya.

Pinagpatuloy ko ang pagtakbo at ginawa ang lahat upang hinaan ang aking mga yabag upang hindi makatawag atensyon.

Buti nga't walang naliligaw na mga tagabantay rito kaya walang nakakakita sa akin.

Napahinto na lang ako nang makita ang isang malaking wooden door na siyang bahagyang nakabukas at sa loob nito'y napakalaking silid.

Isa itong hall na may pinakamahabang lamesang nakita ko sa aking tanang buhay. Marami din ang mga upuan na siyang nakahilera sa lamesa.

Mas lalo akong natigilan at nanginig nang makita ang isang parihabang glass box na siyang nasa pinakaunahan. May nakasilid doong bagay na siyang natitiyak ko'y ang aming pakay.

Ang sacred book!

Dali—dali akong tumakbo sa kinaroroonan niyon at mabilis na hinablot ang libro sa loob. Medyo nagtaka pa ako nang tumagos lamang ang aking kamay sa glass box na iyon kaya nagawa kong makuha ng walang kahirap hirap ang libro.

Baka ganon lang talaga. Magic.

Agaran ko iyong isinilid sa sling bag na aking suot at mabilis na lumabas ng hall. Ngunit kakalabas ko palang ng pinto ay isang nakakapangilabot na katana ang siyang tumutok sa aking leeg.

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon