Artemis 15

92 10 0
                                    

The Guardians

Trinity's PoV

"Patay, sa'n nga ba ulit 'yon?!" ba naman kasi, kung kailan magdadalawang linggo na ako dito, ngayon pa ako nagkandaligaw-ligaw!

Nagpalinga-linga ako at parang maiiyak na nang makitang 'yung vase pa rin na may mga ancient paint ang nakikita ko.

Na-nuno na ata ako dito!

Ten minutes nalang ang natitira at magsisimula na ang klase.

Malate ulit, sermon na naman kay Prof. Luhan!

Eh, kasi kasalanan 'to ng pixy kanina! Ang cute cute kasi kaya ayon sinundan ko, ta's bigla nalang nawala kaya nganga na ako ngayon. Arghh, ba't ba kasi ang taba-taba no'n!

Nanisi ka pa, ah?

Tahimik!

Naglakad ulit ako, but this time sa south naman ako pumunta. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaalis sa mansyon na 'to!

Ngayon ko lang din nalaman na may mansyon palang ganito kabongga dito sa academy, edi sana nagpasama ako kina Jonica at Rico na pumasyal rito. I know naman na sa labas talaga, makikita mong castle like yung mga nakatayo. Pero kasi kapag pumasok ka, parang nasa normal building ka lang.

Pero ito kasi, sure akong outside at inside ay pambonggang palasyo talaga !

Pero sa kasamaang palad, ngayon pa ako napadpad dito kaya ending 'di ko na alam palabas! Huhubels.

Pighati, lumbay, iyak!

"Yeah, nawala nga."

"What the hell dude?! Paanong nawala yun?! Patay tayo kay headmaster niyan!"

Ayan na! Sinasabi ko na nga ba!

Napahinto ako sa paglalakad at agad na nagtago sa isang pillar. Paksyet naman, sana walang makakita sa 'kin! Huhubels to the highest level!

"Yeah, knowing you, hindi ka nakakawala ng gamit na importante sa 'yo. So, why did that happened? Ano nang gagawin mo?"

"Hindi ko alam, basta hindi ko na siya makita sa room ko."

"Dude naman! Parang hindi ka nababahala na nawala yung librong 'yon! Parurusahan na naman tayo ni headmaster-Aray naman!" dahan-dahan akong sumilip at nakakita ng tatlong lalaki na medyo malayo sa 'kin.

Nakatalikod ang dalawang sa direksyon ko habang yung isa nama'y nakaharap kaya napasinghap nalang ako nang makilala siya.

Shyet, siya si Bluu! Yung water element user!

"Kailangan talaga nating mahanap yun, patay talaga-Ano ba nakakarami na kayo ah!"

"Talak ka ng talak d'yan, nabubwisit na ako sa 'yo!"

"You're overreacting."

"I'm not-araaaaaayyy!"

Mas lalo akong natigilan nang mamukhaan ang dalawa. Yung isa na may golden long hair ang may hawak ng air element at yung isa na tinatawag akong baliw!

Tagalog ng crazy, baliw. Masyado siyang pasosyal magsalita kaya ako na nag-adjust.

Fakshyet, kailangan ko na talagang makaalis dito!

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon