Kim Jungwoo as Iggy Kimio and Clint Kimie Kimiganokawa (above)
A/N: If you're confused kung bakit isang character lang ang gumanap sa kanilang dalawa, it is because they are twins. Magkamukha:)
Hanlon's Representative
Trinity's PoV
"Trinity!"
"Trin!"
"Psh!"
"BANSOT!"
Napamulagat ako at hinihingal na kinilala ang mga taong sumigaw. Killian, Theo, Cheese, Kuya Mie—
KUYA MIELLE?!
"K–Kuya Mielle, iz d–dat you na ba?" nanginginig labi kong tanong ngunit agad napasinghap nang pitikin niya ako nang pagkalakas lakas sa noo.
"Oo, ako nga. Your one and only handsome brother."
"Kuyaaaaa!" mabilis ko siyang niyakap at wala akong pake kung isipin na nilang isa akong chimpanzee na nakakapit sa leeg niya.
Hindi nga ito panaginip! Hindi iyon panaginip! Nandito si kuya ko!
Niyakap niya rin ako nang napakahigpit. Hindi ko ring mapigilang mapaluha dahil sobrang miss ko na siya. Itinago ko ang aking nagluluhang mata sa damit ni kuya at palihim na umiyak. Ayokong makita nila na napakaiyakin ko.
Napahiwalay lang kami sa isa't isa nang may tumikhim. Tiningnan ko si Theo ngunit nag–iwas lang siya ng tingin.
"Oh, sorry. Don't be jealous, Frost."
Frost?
"Sinu si Frost, kuya?" naguguluhan kong tanong na kinakunot ng noo nito.
"Theodore Frost Peñaflor, hindi mo alam?" lukot na lukot ang mukha ni kuya ngunit napangiwi lang si Theo.
"Ohmygosh, totoo?! Ang gwafu ng name mo, ha!" natawa naman si Killian at ganon rin ang pag–irap ni Cheese.
Ay, andito pala si Cheese?
"Hmp!" inirapan ko rin siya.
Kala mo papatalo ako, ha. Who u ka, boi.
Atleast, she's not that pale anymore.
"Ano sabi mo?" humarap naman sa akin si Chase at pinagtaasan ako ng kilay.
"What?"
"May sinabi kang she's not that pale anymore."
"I didn't say that." lah.
Eh, kanino galing yun?!
Nagkatinginan silang apat at base sa kanilang hitsura, para silang nag–uusap gamit ang kanilang mata.
Pano kaya yun.
"You should rest more, you still look pale. Guni–guni mo lang yun." pahayag ni kuya at hinimas ang aking ulo..
Na may kasamang pitik.
"Aray kuya, ha! Masakit!"
"Ayan ang napapala ng mga makukulit!"
"Eh, kailan ako kumulit?!"
"Pinakaba moko nang pagkatindi–tindi kanina dahil sa sigaw mo! Lintik ka."
BINABASA MO ANG
Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry
FantasySecrets are bound to be kept. Making secrets are simple, but keeping it only from yourself in a very long time is way too impossible. ___________________________________________ "Hi!" "Halerr, ang ganda ko kaya." "Oo na kasi. Alam ko naman yun, maga...