Meet them
Trinity's PoV
"Ano ba kuya? Akin na sabi 'yan!"
"Nah-ah."
Hinampas ko nga ng unan sa pagmumukha. Kaasar, eh!
Pa'no ba naman kasi, nagbabasa ako nung love story nina Aimee at Zeke, tapos kinuha nitong tukmol!
"Aray!" daing nito at akmang babatukan ako nang agaran akong lumayo.
Nye nye, kala mo, ah. Mautak 'to boi!
"Akin na kasi sabi 'yan! Nagbabasa ang tao eh!" pero 'di pa nagpa-awat ang magaling kong kuya dahil inupuan pa niya mismo ang libro ko.
Wahhhhhhh!
"Bakit, tao ka ba?"
Tiningnan ko siya nang may pighati't sakit. Hindi ako makapaniwalang sinabihan niya ako nun!
Ako ang pinakamagandang tao sa lahat!
"Ang sakit mong magsalita, ah! Supot ka naman, sabi nung kaibigan mo!"
Ngayon nama'y hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Napahawak pa siya sa dibdib at pilit dinamdam ang aking sinabi.
Kala mo, ah. May resbak ako sa 'yo!
"Sinong walang hiyang nagsabi nun nang magkalimutan na kami?!" asar na tanong niya habang lumalaki ang mata
Dilat pa more! Push mo yan.
"Nye! Bakit ko naman sasabihin sa 'yo? Eh, magkaaway tayo?! Akin na nga 'yang libro ko!" inis kong sigaw at pilit kinuha ang libro ko.
Pero ang tukmol nga naman, siniksik pa lalo sa kailalim-laliman ng pwetan niya.
Naman, oh! Kailangan ko pang suongin ang walang hanggang kadiliman!
"Kuya naman, eh! Isusumbong talaga kita kay-"
Isang hampas ng kung anong matigas na bagay ang naramdaman kong tumama sa ulo ko. Gano'n din siguro si kuya dahil malakas pa itong dumaing.
"Hindi ba kayo pwedeng magkasundo, ha? Puro kayo away!" muli kaming hinampas ng mahiwagang pamaypay ni Lola Mia at pumameywang.
Napahimas naman ako sa ulo at napaisip.
Chakit naman, ihh!
Ay teka...
Ba't nandito si lola?!
"B-Bakit ka nandito, 'la?" isa na namang hampas sa ulo ang natanggap ni kuya na kinangiwi ko.
Killing spree. Bwahahahahaha
Pusta akong nagwawala na 'yang si kuya sa loob-loob niya. Talong-talo kasi siya pagdating kay Lola Mia.
"Aba, hindi ba ako pwedeng umuwi rito't magbakasyon nang maaga ha, Daunter Mielle?" nakapameywang na wika at taas-kilay nitong tanong kay kuya.
BINABASA MO ANG
Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry
FantasySecrets are bound to be kept. Making secrets are simple, but keeping it only from yourself in a very long time is way too impossible. ___________________________________________ "Hi!" "Halerr, ang ganda ko kaya." "Oo na kasi. Alam ko naman yun, maga...