Trinity's Fear
Trinity's PoV
Nanlalabo na ang aking paningin. Hindi ako sigurado kung apektado pa rin kami nito kapag nakalabas kami ng illusion.
Hindi ko na rin magawang pumalag nang paghahatakin ako pailalim ng mga piranha. Dahil na rin sa nanigas na ang aking mga binti hindi ko na magawang lumangoy.
Sana nga, totoo ang mga knight in shining armor. Sana mailigtas niya ak-
Dalawang kamay ang biglang lumusong sa tubig. Papalapit iyon nang papalapit at hindi ko maaninag nang maayos kung sino ang nagmamay-ari ng pares ng kamay na iyon.
Mabilis ako nitong hinablot at hinila paitaas hanggang sa parehas kaming nakaahon.
Habol-hininga akong napabagsak sa malamig na tiles- t-teka...
Tiles?!
Inilibot ko ang paningin habang patuloy pa rin sa pag-ubo at pagsagap ng hangin.
Nakita ko ring hinihingal at basang basa si Miki sa aking tabi, ganon na rin ang matinding paghingal nito.
Ay, siya yung knight in shining armor ko? Ngiii.
Nabudol ako dun, ha.
"N-Nasaan tayo?" hinihingal kong tanong at pinagpatuloy ang paglibot tingin.
"Hindi ko rin a-alam..." hapong usal naman ng isa.
Napansin kong nasa loob kami ng isang bathroom. Kompleto sa mga sabong panpaligo ang shelf at may malaking salamin sa ibabaw ng makintab na sink.
Nasa harap din namin ang malaking bathtub at hindi ko sigurado kung dun ba kami galing ni Miki.
"There's a door." naunang tumayo si Miki at in-offer sa akin ang matambok nitong kamay.
"Teka lang naman, hinihingal pa ako." irap ko dito ngunit ngiwi ang natanggap ko sa kanya.
"Hinihingal din naman ako." pairap nitong sambit.
"Hello, muntik na akong mamatay dun ha!" inis kong usal ngunit nagthumbs-up lang ito.
Matinding irap naman ang natanggap nito mula sa akin.
Inis kong tinanggal ang kumot na mahigpit na nakapulupot sa aking katawan. Ganon rin naman ang kanyang ginawa.
Matinding ginhawa ang aking naramdaman nang makalaya ako sa makakapal na kumot na iyon.
Siguro naman wala nang piranha dito. Tatabasan ko na talaga panga nitong kapartner ko.
"Tara na." sambit ko at itinaas ang dalawang kamay.
Wala din naman itong ginawa at hinatak ako patayo. Napatingin ako sa pinto bago muling ibinaling sa kaniya ang tingin.
"Una ka na." malambing kong sabi at isinenyas pa sa kaniya ang pinto.
"A-Ayoko nga. Ladies first, diba. Ikaw na." sinamaan ko ito ng tingin.
"Ayaw."
"Ayaw ko den." pinanlakihan ko siya ng mata at butas ng ilong.
Vuysit talaga to!
"Maiba taya nalang." inilahad ko ang kanang kamay ngunit nakatanggap naman ako ng pitik sa tenga.
"Anaknang-!"
"Walang mananalo. Bato bato pick nalang." suhestyon nito at iminwestra ang kamay sa bato.
BINABASA MO ANG
Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry
FantasySecrets are bound to be kept. Making secrets are simple, but keeping it only from yourself in a very long time is way too impossible. ___________________________________________ "Hi!" "Halerr, ang ganda ko kaya." "Oo na kasi. Alam ko naman yun, maga...