First Stage: Battle of Courage
Trinity's PoV
"T-Trinity?"
"Miki?" usal ko nang makita ang dambuhalang katawan at cute na cute na mukha ni Michael.
Parehas kaming nakasuot ng pula at pansin kong kaming dalawa lamang ang naririto sa mapunong lugar.
"As I said, you're all inside an illusion. Ang mga kasama niyo ngayon will be your partner until the end of every stages." narinig naman namin ang boses ni Professor Gustavo.
Napasulyap ulit ako kay Miki nang hinahapong tumabi ito sa akin.
Hindi pa nga nagsisimula, hiningal na agad.
"Mapapansin niyong may mga nakalagay na telang parisukat sa inyong mga bulsa. The colors of it depends on what section you're in." kinapa ko naman ang aking bulsa at nakitang may parisukat ngang telang pula doon, ganon rin ang kay Miki.
"Don't loose that flag for it will be needed in the final stage." iniisip ko naman kung paano ko maitatago nang maayos ang tela, baka kasi mahulog ito kapag sa bulsa ko lang inilagay.
Sa garter ng panty mo, dai...
Tama!
Habang busy sa pakikinig si Miki ay pasimple kong inipit sa garter ng aking panty ang tela. Bwala!
Ang galing ko talaga.
"The first 50 pairs will be the only ones who can proceed to the next stage. Kaya, do all your best to make it with your partner. At kung isa lamang sa inyo ang nakaabot sa mga nauna, hindi iyon counted. You will be eliminated." kailangan naming makaabot ni Miki sa first 50.
Kahit man lang isang pares sa section namin ang umabot sa second stage, para na rin kaming nagwagi.
"Be wise, don't loose your confidence..." huling paalala ni Prof Gustavo dahilan upang makaramdam ako ng kaba.
Simula na.
Mabilis kong hinatak si Miki na kinagulat naman nito. Hindi kmi makakaabot nito kung hindi kami agad aaksyon.
"Bilisan natin Miki!" usal ko pa.
Sabay kaming tumakbo nang tumakbo sa mapunong lugar. Halos magkandarapa na rin kami dahil sa mga ugat ng punong mga nakausli.
Ngunit nagulat nalang ako nang makakita ng mga itim na uwak. Kumpol kumpol iyon at papasugod sa kinaroroonan namin.
"Trin!" mabilis akong hinigit ni Miki at nagtago kami sa likod ng malaking puno.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot nang makitang mapupula ang mga mata ng mga uwak. Dahilan upang maalala ko na naman ang Royal Owl.
"Miki, ayos ka lang?" alalang tanong ko nang makitang nanginginig ang malulusog nitong mga kamay, gayon na rin ang pagkapula ng kanyang mukha.
Pinagpapawisan na rin ito nang matindi tindi.
"Y-Yung...yung-" hindi na nito naituloy ang sasabihin nang tuluyan na itong mapaupo sa lupa.
"Miki." hinagod ko ang likuran nito upang siya'y pakalmahin.
"Ang mga u-uwak na iyon ang pinakakinakatakutan ko..." takot at nanginginig nitong sambit dahilan upang manigas ako sa kinatatayuan.
Battle of courage... Does it mean, kalaban namin ang sarili naming k-kinakatakutan?
Napapikit ako nang mariin nang mapagtanto ang mangyayari. Sana hindi iyon, sana hindi iyon ang makita ko. Sana...
BINABASA MO ANG
Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry
FantasySecrets are bound to be kept. Making secrets are simple, but keeping it only from yourself in a very long time is way too impossible. ___________________________________________ "Hi!" "Halerr, ang ganda ko kaya." "Oo na kasi. Alam ko naman yun, maga...