Artemis 23

69 4 0
                                    

The Royal Owl

Trinity's PoV

"Ready ka na bukas?"

"Huh? Anong meron bukas?"

"Sis, practical exam na natin bukas! Omg ka naman."

"Ay, oo nga pala! Should we be practicing right now na ba? Malay mo, isa satin ang mapiling officers ng section natin diba?"

"No need na, we know naman na magagaling na tayo hindi katulad ng iba dyan."

"Ohhhh..."

Agad nangunot ang noo ko nang marinig ang kwentuhan ng dalawang magkaibigan na taga Brassard section. Nginiwian ko lang sila nang lingunin nila ang section namin.

Lingon lingon pa, eh.

Kasalukuyan kaming nasa field ngayon dahil pinatawag lahat ng mga estudyante. Sama sama naman kami ng mga kaklase ko sa gilid dahil baka isa sa amin ang makalabag sa mga rules na ipinatupad ng mga higher sections.

Bawal daw kami dumikit sa kanila, edi don't. Sino ba sila? Duhh.

Makikipagkwentuhan na sana ako kay Isha nang makita kong pumunta sa may katamtamang laki ng platform si Professor Lim.

Malawak ang ngiti nito dahilan upang magsitilian ang lahat ng mga kababaihan at kabaklaan.

Anaknang, ayan na naman tayo sa makatanggal tuling tili.

"Silence!" mabilis na tumahimik ang lahat ng marinig ang boses na iyon.

Agad naming nakita ang lalaking may mahabang puting balbas na kulang nalang ay sumayad iyon sa lupa. May suot rin itong witch hat at pabestidang damit na abot hanggang lupa.

Walang iba kundi si Professor Gustavo na siyang headmaster ng Veatarts Slaxsose.

Siya ang matandang lalaking kumausap sakin noong nasa dinig hall ako kasama sina Iggy, ilang linggo na ang nakalilipas.

Umubo si Professor Lim at muli naming nasilayan ang kanyang makalaglag- este, nakakasilaw na ngiti bago magsalita.

"Goodmorning my dear students. You are here to know that the usual Practical exam of all section will start tomorrow morning." maraming napaimpit na hiyaw at napangisi dahil sa narinig.

"Everyone knows that this Practical Exam is an Entrance Exam for every transferees." natuod naman ako sa aking kintatayuan nang mapadako ang tingin nito sa akin.

E-Enebe.

"And also a way for everyone of you to become an official officers of your respective section, for a year." napadako naman ang aking tingin sa ibong lumilipad patungo sa kinaroroonan ng platform.

Medyo may kalakihan iyon at purong puti ang balahibo. Ganun nalang din ang pagkamangha ko nang dumapo iyon sa balikat ni Professor Lim at inilapag ang pahabang bagay na kagat-kagat pala nito kanina.

"That's the Royal Owl." pabulong na usal ni Isha na aking katabi.

Hindi mapigilan ng aking mga matang hindi mapalaki. Royal Owl? Talaga?!

Kaya pala may kumikinang na bagay na nakapalibot sa leeg nito dahil iyon ang royal crest ng palasyong nagmamay-ari sa kanya.

Wow.

"Our Beloved Royal Queen commands every each of you to do your best in this school year's first Practical Exam." napapalakpak naman ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Prof Lim.

Tale of The Artemis Stone: Veatarts Slaxsose, Institute of Magics and Wizardry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon