Chapter 41: The Promise

68 2 2
                                    

A/N: Sa wakas! After almost 2 months nakapag update din! Hindi naman sa tinatamad ako mag update pero wala na kasing pumapasok sa utak ko na scene kaya hindi ako makapagtype at makapag update. Hindi ko pa kasi nafefeel kung anong pakiramdam ng mawalan ng minamahal. As in yung pinakamamahal mong tao. Kaya nagbuff ang utak ko at ngayon lang ako nakapagupdate. Pero sana magustuhan niyo ang update na 'to.

Drawn out by Dishwalla. A tribute music for Anastacia and Vincent. idodrawing ko sana silang dalawa tapos background tong music kaso tamad talaga ako kaya hindi ko na nagawa (soon siguro). Please listen to the music after the third person's POV para mafeel niyo yung pain. hehe daming arte. hindi joke lang. (>.<) basta pakinggan niyo lang. :3

---

Chapter 41

*The Promise*

[Third Person’s POV]

Nanginginig ang dalawang kamay ni Vincent habang hawak ang baril na nakatutok kay Anastacia. Tagaktak ang pawis nito na tumutulo sa kanyang pisngi kasabay ng luhang hindi niya mapigilan.

Hindi maalis ni Vincent ang tingin niya kay Anastacia habang nakatutok parin ang baril nito sa kanya. Ang matutulis nitong kuko ay unti unti ng umuurong hanggang sa maging normal na ito. Ganoon din ang kanyang mga pangil na kanina ay mahaba at matutulis din.

“Vincent, patawad... hindi ko sinabi sayo ang totoo...”

 

Tumulo ang kanyang luha sa sahig at nakayukom ang kanyang mga kamao habang si Vincent naman ay nanatili sa kanyang pwesto. Hindi niya malaman kung ano na ang kanyang gagawin. Mananatili parin ba siya kay Anastacia o dapat na ba niyang gawin ang tama?

“Vincent, malaki ang tiwala ko sayo, sobrang laki... Pero iba na pagdating sa ganitong usapan. Patawad kung hindi ko agad nasabi sayo ang totoo. Natatakot kasi ako na... baka layuan mo ako at iwanan... ayokong mangyari yun Vincent, ayoko dahil mahal kita! Please! Huwag sana magbago ang pagtingin mo sa akin! Mahal mo parin ako hindi ba? Hindi mo ako iiwan hindi ba? Kagaya ng ipinangako mo sa akin dati...”

 

Nanumbalik sa kanyang alaala ang mga panahon na masaya silang dalawa. Lalo na ang araw kung saan nangako siya kay Anastacia.

“ikaw? Anong iwiwish mo kung sakaling makakakita ka ng shooting star?”

“ang wish ko, huwag mo akong iwan kahit anong mangyari. Kapag nagawa mo yun, magiging masaya na ako habang buhay.”

“hinding hindi kita iiwan para maging masaya tayo habang buhay. Pangako. At balang araw, hindi na wish yun dahil maipapangako ko sayo yun.”

 

Ibinaba nito ang baril at umagos ang mainit na luha sa kanyang pisngi habang tulalang nakatingin ito sa sahig. Naninikip ang kanyang dibdib dahil sa labis na nararamdaman nito. Gusto niyang kalimutan ang mga sandaling napagmasdan niya ang tunay na katauhan ni Anastacia at yakapin ito na parang walang nangyari. Ngunit sa kabila ng kanyang isip ay nangingibabaw ang isang boses na kailangan niyang sundin.

Bigla niyang naalala ang mga paghihinagpis ng kanyang mga kaibigan dahil sa malagim na nangyari sa kanila laban sa mga Perilous at mga Bampira. Lalo na ng masaksihan niya ang mag ina na walang kalaban laban sa mga Perilous at pinatay sila nito. Nangako siya sa kanyang sarili na lalaban sa mga Perilous at Bampira upang ipaglaban ang nararapat at puksain ang kampon ng kasamaan dahil ito ang nakatakda sa kanyang buhay. Ang pumatay ng mga Bampira.

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon