Chapter 23: Is this the End?

130 4 1
                                    

Authors Note: Pasensiya na kayo kung mahaba, may lyrics kasi ng kanta kaya ganyan. :3 Tsaka kung hindi niyo po alam yung 1st song, nasa external link po yung kanta para mapakinggan niyo. :)

Enjoy your reading (^.^)

************************************************************************************************************

Chapter 23

*Is this the End?*

 

[Anastacia’s POV]

“Think twice before you touch my girl.”

 

Napatakip ang dalawa kong kamay sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging emosyon ko ngayon. Pero bakit? Bakit siya pa? Ano bang nangyayari ngayon! Sino ba talaga siya?

“ARGWWWWW! SUGOD!”

 

*BANG BANG BANG*

 

“AAAAAHHHHHHHHHH!”

 

Nakatakip sa dalawa kong tenga ang mga kamay ko habang patuloy ako sa pagsigaw.

Hindi! Ayokong marinig ang putok ng mga bala niya! Bakit ba ako nagkakaganito? Anong nangyayari sa akin? Bakit ako sumisigaw? Bakit ako umiiyak? Bakit parang ako yung nasasaktan? Pakiramdam ko ay tatamaan ako ng bala niya na tatapos sa buhay ko. Pakiramdam ko magiging abo din ako katulad sa mga Perilous na walang awa niyang pinagbabaril. Ayoko nito! AYOKO NA!!!

“ARGWWWWW! AYOKO NA! MAAWA KA SA AKIN! HINDI KO NA KAYO SASAKTAN! MANIWALA KA!”

 

Napatingin ako sa Perilous na nanghihingi ng awa sa kanya. Alam kong kalaban ko rin siya pero isa din siyang bampira. Bampirang katulad ko.

Nanlilisik ang paningin ni Vincent sa kanya at halos nakakamatay ang titig niya dito. Ayokong maranasan yun. Ayokong titigan niya ako katulad ng ganoon!

“hindi ako naniniwala sayo. Masama ka. Pumapatay ka ng mga taong inosente at walang kamalay malay. Hindi ka dapat mabuhay sa mundong ‘to. Mamamatay ka na!”

*BANG BANG BANG*

Tuluyan na akong napaupo dahil sa takot habang yakap yakap ko ang sarili ko. Pakiramdam ko tumagos din sa akin ang mga sinabi niya. Ayoko na! Ayoko ng marinig ang putok ng bala niya! Gusto ko ng umalis dito! Pero bakit ganun? Hindi ako makatayo? Hindi ako makalakad at makatakbo? Ano ba talagang nangyayari sa akin? Kanino ako natatakot? Ayoko pang mamatay!

“Anastacia? Ok ka-”

“AAAHHHHH!”

 

Bigla kong natabig ang kamay niya na magpapakalma sana sa akin. Bakit ko ginawa yun? Ako ba ang may gawa nun?

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon