Chapter 43: 1 2 3 4

34 0 0
                                    

A/N: wala akong maisip na title. LOL! Haha! BTW, Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa sa aking likha lalong lalo na sa mga nag aabang ng update. *bow* salamat po!


—-

Chapter 43

*1 2 3 4*

 

[Sophia's POV]

"Young Princess, may bisita po kayo."

"papasukin mo siya."

 

Kinuha ko ang wine glass sa side table at humigop ng kaunti. Napakasarap talaga ng sariwang dugo.

"itapon niyo na ang bangkay na yan. Nakakahiya sa bisita."

"opo, Young Princess."

 

Bumukas ang pinto at kahit malayo palang siya ay natanaw ko na ang kanyang mukha.

"Greg Winston mula sa ikaunang pangkat. Ikinagagalak ko kayong makita, Young Princess."

 

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya ito bilang pagrespeto sa aking kapangyarihan. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Malaki na ang kanyang ipinagbago. Mahina kung titignan mo pero malalaman mo sa bandang huli kung gaano siya kalakas kapag nakahiga ka na sa lupa at naghihingalo na. Napakatagal na rin simula ng kunin ko siya bilang kasapi ng grupong binubuo ko.

[Flashback]

"kuya! Ayos ka lang ba?!"

"tumakbo ka na Greg bago pa ako maging Perilous! Sige na! Takbo na!"

"hindi pwede! hindi kita pwedeng iwan dito!"

"kapag naging Perilous na ako, hindi ko na makokontrol ang sarili ko kaya umalis ka na!"

"pero kuya-"

"umalis ka na!"

 

Kitang kita ko ang pagbabago ng anyo ng kanyang nakakatandang kapatid kung kaya't umalis dali dali siyang tumakbo at nagtago dahil sa takot na nararamdaman. Agad itong nagwala at sinubukang umalis palayo ngunit hindi siya nakaligtas dahil may dalawang Vampire Hunter ang agad na naglumitaw at tinapos ang kanyang buhay.

Samantala, kitang kita ni Greg ang lahat ng pangyayari hanggang sa masaksihan niya kung paano naging abo ang kanyang kapatid dahil sa dalawang Vampire Hunter na iyon. Nang makaalis na ang dalawa ay tinungo niya agad ang kanyang nakakatandang kapatid na abo na lamang.

"kuya! Paano na ako? Saan ako pupunta? Hindi mo ako pwedeng iwan! Kuya!"

 

Inayos ko ang aking buhok habang nakangiti at lumundang sa kanyang harapan.

"magandang gabi, Greg."

"s-sino ka? Bakit mo ako kilala?"

"nakikiramay ako sa pagkawala ng iyong kapatid."



Hindi siya umiik at tinignan niya ang abo ng kanyang kuya.

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon