Chapter 32: Warning

113 3 4
                                    

Chapter 32

*Warning*

 

[Third Person's POV]

“tirhan niyo naman ako! Hindi pa ako nakakatikim ng ganyang klaseng dugo!” – Lee

“kulang pa nga sa amin ito! Maghanap ka nalang ng ibang dugo na Type AB!” – Max

“o kaya kahit ano basta dugo! Oo nga pala, si Ira may nakita akong tinapon niyang napkin, pwede mo yung gawin- ARAY! Bakit mo ako binatukan?!” – Greco

“tumahimik ka nga! Nakakadiri ka!” – Ira

“pwede ba! Tumahimik na lang kayo habang umiinom? Ang ingay!” – Nancy

“hindi ka pa nasanay friend! Ganito naman tayo araw araw!” – Cleo

“hoy Drex! Sumali ka dito oh! Napaka emo mo naman!” – Max

“o-ok lang ako dito.” – Drex

Tumingin si Drex sa kanyang amo na si Anastacia dahil hanggang ngayon ay mukhang malalim parin ang iniisip nito. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil bakit hindi niya mabasa ang iniisip ni Anastacia.

“last drop for Young Princess! Sorry Lee! Naubusan ka na!” – Greco

“ang daya niyo naman…” – Lee

Iniabot ni Greco ang baso kay Drex na siya namang nag abot nito kay Anastacia. Ngunit hindi yata napapansin ni Anastacia ang basong iniaabot sa kanya.

“gusto mo ba ng maiinom?” – Drex

“h-huh? Ano yun?” – Anastacia

“ang sabi ko, gusto mo ba ng maiinom?” – Drex

Napatingin si Anastacia kay Lee at si Lee naman ay nakatingin sa pitsel na wala ng laman. Nagmumukhang kawawa ito dahil sa itsura niya at lagi siyang binubully ng mga councilors.

“ibigay mo nalang yan kay Lee. Busog pa ako.” – Anastacia

“o-ok.” – Drex

“t-talaga po? Sa akin nalang itong baso niyo?” – Lee

“oo nga. Kulit.” – Anastacia

“marami pong salamat!” – Lee

Tila nahiya naman ang mga councilors sa ginawa ni Anastacia dahil siya pa mismo ang nag alok ng kanyang baso kay Lee kung kayat nanahimik na sila.

Mabuti nalang at wala silang pasok ngayon. Nag aalangan pang pumasok sa iskwelahan si Anastacia dahil sa sinabi sa kanya ni Rengie na alam na ni Vincent ang pagkatao niya. Natatakot siya na baka bigla silang mag away at itutok nalang sa kanya bigla ang dalawang baril nito na ginamit niya na noon laban sa mga Perilous.

Ni kahit text o tawag mula kay Vincent ay wala siyang natatanggap kung kayat nag aalala na siya ngayon. Monthsary pa naman nila sa susunod na araw.

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon