Authors Note: Pasensiya na kung natagalan ako sa pag update. tinamad lang kasi ako mag type. nanuod kasi ako ng Sword Art Online. Ang ganda talaga. Ajujuju...
Enjoy your reading (^.^)
************************************************************************************************************
Chapter 20 (Part 1)
*The Sad Story*
[Anastacia’s POV]
“shhh... huwag kang magsabi ng ganyan Pat. Gagaling ka. Babalik ka sa dating lakas. Hindi mo ako iiwan. Di ba sabi mo yan?”
“ma-hal na ma-hal ki-ta Ta-cia. Gus-to ko mang ma-nga-ko, hin-di ko na rin ma-tu-tu-pad yan. Tan-da-an mo, i-kaw lang ang pi-na-ka-ma-ma-hal ko. Mag-i-ngat ka pa-la-gi.”
“hindi Patrick! Magsasama pa tayo!”
“ma-hal ki-ta... Ta... cia...”
Bago niya isara ang kanyang mga mata ay itinuro niya sa akin ang pinto kung saan may isang pigura ang nakatayo malayo sa sinasakyan namin. Umaandar ang sinasakyan namin ngunit hindi ito umaalis sa lugar kung saan nangyari ang crimen. Bumaba na ang kamay niya at tumulo ang luha ko dahil hindi ko man lang nasasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Humalik ako sa labi niya at tinakpan na ng nurse ng kumot ang mukha niya.
Lumabas ako ng sasakyan upang puntahan ang pigurang itinuro niya sa akin. Nang mapagtanto ko kung sino ito ay dali dali akong tumakbo papalapit sa kanya.
“Vincent!”
Ngunit imbis na lumapit siya ay tumalikod siya at naglakad palayo.
“Vincent! Hintayin mo ako!”
Mula sa harapan niya ay may lumabas na isang babae na kamukhang kamukha ko. Hinawakan ni Vincent ang kamay nito at hinalikan niya ito sa noo.
“hindi Vincent! Impostor siya! Ako ang totoo!”
Nang nakalapit na ako sa kanila ay parehas silang humarap sa akin. Tumingin ako kay Vincent at iba ang kulay ng mga mata niya. Itim na itim ito na parang isang balong malalim na walang katapusan. Na hypnotize siya. Tumingin ako sa kasama niya na kamukha ko.
“ikaw sino ka! Anong ginawa mo sa Vincent ko? Impostor ka!”
Sasampalin ko sana ang kasama niya ng mahawakan ni Vincent ang braso ko ng mahigpit.
“huwag na huwag mong sasaktan ang mahal ko.”
Pagkasabi niya nun na may malamig na tono ay inihagis niya sa akin ang kamay ko pabalik at napa upo ako. Tumulo ang luha ko dahil alam kong hinding hindi magagawa sa akin to Vincent. Tumingin ako sa kamukha ko at nakatingin siya sa akin ng may awa. Niyakap siya ni Vincent.

BINABASA MO ANG
I love my Vampire Hunter
VampirosSi Anastacia ay isang Bampira na namumuhay sa mundo ng mga tao. Sa pagsapit ng gabi ay pumapatay siya ng mga masasamang tao. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakilala niya si Vincent na isang Nerd na magiging klassmate niya pero ito pala ay isang...