Authors Note: Happy 1.1k pala! haha! Nakalimutan ko sabihin sa last update ko. Ang saya saya! Pati sa isa kong story, naka 1k narin. yung My Guardian Angel. Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa nito tsaka nun. :D Dahil diyan, 2 chapters for today. :D
Enjoy your reading! (^.^)
************************************************************************************************************
Chapter 21
*A day without Her*
[Vincent’s POV]
“1 week? Ang tagal naman. Bakit ba kasi?”
“eh basta. Emergency lang.”
“o sige. Pero pwede ka bang bisitahin diyan ngayon?”
“ah eh… hindi rin eh. Aalis kasi ako.”
“sige na nga. Basta tawagan mo ako kapag nakabalik ka na ah.”
“sige. Salamat lalabs ko sa pang unawa mo! Love you lalabs ko!”
“sige. Bye bye na.”
“teka nasaan yung I love you too ko?”
Luminga linga muna ako at baka may nakikinig sa akin. Inilapit ko ang cellphone sa bibig ko at bumulong ako.
“mahal kita… Tacia.”
“yehey! Sige bye bye na lalabs ko! Muwah muwah! Tsup tsup!”
Hay… mabuti nalang at pinatay na niya ang cellphone. Nakakalungkot naman. 1 week siyang mawawala. Bakit kaya? Hindi naman niya masabi kung ano. I swear, mamimiss ko ang kakulitan niya.
Inayos ko na ang mga gamit ko para umuwi na. Unti nalang pala ang mga istudyante na umuuwi. Nautusan na naman kasi ako sa faculty eh.
Naglakad ako sa hallway. Lagi kong nako-close open ang kanang kong kamay. Nasanay na kasi ako na laging nakahawak dito si Anastacia. Habang papalapit ako sa gate ay napako ang tingin ko sa isang grupo na nag aabang sa labas.
“Vincent! I miss you na!” – Suzy
“oi bro! Kamusta na!” – Gian
“kayo pala. Anong ginagawa niyo dito?”
“ito sinusundo ka. Sinabi kasi sa amin ni Per- aray naman Friend!” – Kiel
Agad siniko ni Percy si Kiel kaya hindi na niya tinuloy ang sinasabi niya.
“a-anong meron?”
“gusto ka lang namin yayain.” – Gian
“talaga? Hunting ba?”
“hunting ka diyan? Mag gagala lang tayo sa Mall no!” – Suzy
“yup. Gawain kasi namin yun every weekdays. Pero, minsan lang naman.” – Kiel
BINABASA MO ANG
I love my Vampire Hunter
VampireSi Anastacia ay isang Bampira na namumuhay sa mundo ng mga tao. Sa pagsapit ng gabi ay pumapatay siya ng mga masasamang tao. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakilala niya si Vincent na isang Nerd na magiging klassmate niya pero ito pala ay isang...