Chapter 35: Hashtag Pogi Problems

97 3 3
                                    

Chapter 35

*Hashtag Pogi Problems*

[Gian’s POV]

*BANG BANG BANG BANG*

“WAAAAA! Grabe out of 10, 4 lang ang bulls eye ko. Siguro malabo na ang mga mata ko.”

“asus! Reason mo. Ang sabihin mo weak ka pa. Tignan mo si Vincent. Kahit wala ng salamin ay nabubulls eye niya lahat!”

“pakialam mo ba?! Eh disguise niya lang yun dati. At tsaka bakit ka ba nandito? Hindi ka naman gun user ah.”

“pakialam mo rin? Gusto ko panuorin si Vincent eh.”

“tsk. Baka ako lang ang ipinunta mo dito?”

“asa.”

 

Totoong lumalabo naman mata ko eh. Nagpupuyat kasi ako at laging tutok sa screen ang mga mata ko.

Napatingin kami kay Vincent ng hawak na niya ang resulta niya.

“ang galing naman! Grabe tadtad yung red dot oh! Ang galing talaga ni Vincent!”

“hehe. Salamat Suzy.”

 

Tsk. Chamba lang yan.

 

“bakit ako? Naka 4 shots naman ako sa red dot ah!”

“FYI! Kung sa test paper yan, bagsak yan! Hindi katulad ni Vincent, Perfect!”

“tsk. Siya nalang lagi.”

“bakit Gian? Nagseselos ka ba?”

 

Pagkatapos ay inakbayan niya si Suzy. Anong pinapalabas niya?

Kinuha ko ang phone ko at nagtext ako sa kanya. Agad namang siyang nagreply ng matanggap niya ang text ko.

“Pinagseselos mo ba ako? Hindi yan uubra sa akin no!”

“ows talaga? Eh kung yayain kong maglunch si Suzy?”

“anong pakialam ko?”

“oh sige. Sabi mo eh.”

“sino bang katext niyo? Nakaka op naman.”

“ah wala to. Tara lunch tayo.”

“Talaga? Yehey! Maglulunch kami ni Vincent!”

 

Tumalikod na sila at akmang hahawakan na ni Vincent ang kamay ni Suzy ng bigla akong napasigaw.

“huwag!”

“bawal ka sumama! Date namin to!”

 

Nakakainis ka Vincent! May araw ka rin sa akin! Grrrrr!

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon