Chapter 30: Revelations

118 2 0
                                    

Chapter 30

*Revelations*

 

[Vincent’s POV]

“Master Heinz! Kamusta na po?”

“mabuti naman. Ano ba ang problema mo at pinatawag mo ako?”

“may sasabihin po kasi akong importante.”

 

Tumango lang siya at niyaya ko siya sa isang coffee shop. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Hindi ko alam kung papayagan niya ba ako.

Nang nasa harapan na namin ang kapeng inorder ko ay hinintay ko munang makaalis ang waiter at inilabas ko ang isang kahon. Binalutan ko pa ito ng wrapper para hindi magmukhang kahina hinala. Nagtaka si Master Heinz sa inilabas ko.

 

“anong kalokohan yan Vincent?”

“Master kasi ano…”

 

Inhale…

Exhale…

“pagbibitiw na po ako sa serbisyo ko.”

 

Napansin ko na humigpit ang pagkakahawak niya sa baso at mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

“anong… sinabi mo?”

“pagbibitiw na po ako Master Heinz. Hindi ko na po kayang ipagpatuloy ang trabaho ko. Kaya ibinabalik ko na po itong mga gamit na ibinigay niyo sa akin.”

 

Ang laman ng kahon ay ang dalawa kong baril na nakasama ko sa pakikipaglaban sa loob ng ilang taon. Hindi ko man gustong gawin ito pero kailangan. Dahil ayoko ng mawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko.

“Vincent…”

“patawarin niyo po ako Master. Gusto ko na pong mabuhay ng normal. Ayoko na pong lumaban. Ayoko na pong pumatay. Patawad po…”

 

Pero himbis na kunin niya ang kahon na nasa harapan niya ay itinulak niya sa akin ang kahon pabalik.

“patawad Vincent pero… hindi maaari ang gusto mo.”

 

Napatingin ako sa kanya at walang emosyon ang kanyang mukha. Nakatingin lang siya sa akin na nagsasabihing hindi pwede.

“p-pero, bakit po?”

“kapag nasimulan mo na ang misyon mo, kailangan mo itong tapusin.”

“pero, tinatapos ko na po ang misyon ko Master. Kaya ibinabalik ko na po ito sa inyo dahil tapos na ako.”

“umaatras ka Vincent. Hindi ka pa tapos!”

 

Medyo tumaas ang boses niya at mabuti nalang ay kakaunti lamang ang tao dito sa loob ng shop. Nakatingin lang ako sa kanya dahil kahit isang salita ay wala akong masabi.

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon