Chapter 20: The Sad Story (Part 2)

142 4 2
                                    

Chapter 20 (Part 2)

*The Sad Story*

 

[Flashback Continues]

 

“kamusta ka na, Bryon.”

 

Nakatingin sa kanya si Geneva at nginitian siya nito ng nakakaloko.

 

“anong ginagawa mo dito Geneva? Umalis ka!”

“ganyan na ba ang turing mo sa akin Bryon? Ganyan na ba ang turing mo sa babaeng minahal mo noon?”

“tumahimik ka! Kahit katiting na pagtingin ko sayo ay wala!”

“sigurado ka bang hindi mo pa rin ako magugustuhan? Kahit ipakita ko siya sayo?”

 

Mula sa likod niya ay lumabas ang isang batang babae na may limang taong gulang na.

 

“Sophia, gusto kong ipakilala sayo ang iyong ama. Si Panginoong Bryon Vladimir.”

“b-buhay siya?”

“oo Bryon. Buhay ang anak natin na pinagtangkaan mong patayin!”

 

Noong nabubuhay pa ang kanyang ama ay pinagkasundo na sila upang pamunuan ang mga bampira. Matagal ng may gusto si Geneva kay Bryon ngunit ayaw niya dito. Ngunit bago iyon ay may iba ng gusto si Bryon at walang iba kundi si Delia. Magiging biktima niya sana si Delia ngunit nahulog ang loob nito sa dalaga. Itinago nila ang kanilang relasyon mula sa mga tao at sa mga bampira.

 

Dahil takot siya sa kanyang ama noon ay may nangyari sa kanilang dalawa upang mabigyan ng apo ang kanyang ama. Nang mag lilimang buwan na ang tiyan ni Geneva ay doon nila nalaman na may ibang babae si Bryon. Agad nalaman iyon ng kanyang ama at ipinahanap si Delia upang patayin sa harap ni Bryon dahil hindi ito pwede sa kanilang lahi.

Matapos patayin ni Feval si Delia sa harap ni Bryon ay nagalit ito at pinatay niya ang kanyang ama. Dahil isang Blood Beast si Bryon ay mabilis niyang napatay ang kanyang ama. Muli niyang binuhay si Delia sa pamamagitan ng kanyang dugo at naging isang bampira din ito. Nais ni Bryon na ilayo na si Delia doon upang mamuhay na ng mapayapa ngunit pinigilan siya ni Geneva dahil buntis siya at kailangan niya si Bryon. Dahil wala ng makakahadlang pa kay Bryon ay itinulak niya si Geneva sa isang bangin upang mamatay ito kasama ang ipinagbubuntis niya.

Sumama ang ibang bampira kay Bryon upang makisalamuha sa ibang tao at magtayo ng isang magandang organisayon na ipinagpapatuloy nila hanggang ngayon.

 

“h-hindi ko siya anak!”

“Sophia, lumapit ka sa iyong ama at magbigay galang ka.”

 

Lumapit sa kanya ang bata na may ngiti sa labi ngunit humakbang si Bryon palayo.

 

“h-hindi… lumayo ka sa akin… Hindi kita anak…”

“papa… papa… gusto ko ng… yakap…”

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon