Chapter 4: Master Heinz's Present

241 6 0
                                    

Authors Note: whaaaaa! sorry mga readers! ngayon lang ako nakapag update dito sa ILMVH! may bagyo kasi nung mga nakaraang araw kaya ayaw akong palabasin ni mama. pero dont worry, babawi ako sa pagkakataong ito dahil, Tatlong chapters ang iuupdate ko ngayon! yahoo! o sha! enjoy your reading... (^.^)

---

Chapter 4

*Master Heinz’s Present*

 

[Vincent’s POV]

“aalis na kami Vincent, mag ingat ka dito ah.”

“opo Ma.”

“i lock mo lahat ng pinto dito bago ka matulog. Bumili ka nalang ng pagkain mo mamaya para sa dinner mo.”

“opo Pa. Ingat po sa byahe.”

 

Sumakay na sila ng taxi bitbit ang dalawang maleta. May business tour kasi sila sa ibang bansa for 1 week. At ito ako, mag isa na naman sa bahay. Pero ok lang, pwede kong gawin ang gusto kong gawin ng walang umiistorbo. Hehehe... Pumunta ako sa sala at binuksan ang TV.

“sa mga kumakain sa oras na ito, pasintabi po muna at gabayan ang inyong mga anak. Isang bangkay na naman ang natagpuan sa bakanteng lote kaninang hatinggabi. Natagpuan ang bangkay na duguan ang mukha at wala na itong puso. Ayon sa mga tao ay pang apat na beses na itong nangyari sa kanilang lugar. Inaalam pa ngayon ng mga pulis kung sinalvage ang biktima o isang halimaw ang gumawa nito ayon sa mga tao. Marami na ang nagsasabi na may pagala gala umano na bampira sa nasabing lugar.”

 

*RING RING RING*

Sinagot ko ang tawag sa telepono.

“hello? Sino po sila?”

“umalis na ba ang mga magulang mo?”

“Master Heinz? Ikaw pala. Umalis na po sila.”

“mabuti naman. Napanuod mo naba ang balita sa TV?”

“opo. Nadagdagan na naman ang mga naging biktima nila.”

“kailangan nating magkita ngayon.”

“sige po.”

 

Ibinaba ko na ang telepono at nagpalit agad ako ng damit at umalis na.

Si Master Heinz ay isang professional na Vampire Hunter. Dumayo siya dito sa lugar namin dahil sa mga nababalitaan niyang  may mga bampira na pagala gala dito sa lugar namin. Ipinamana sa kanya ng kanyang ama at mula sa kanyang kanunu-nunuan ang gawaing ito. Hindi ko anu ano si Master Heinz. Tinulungan niya ako noon laban sa mga masasamang Perilous.

[Flashback]

Naglalakad ako noon sa isang lugar na madilim pauwi ng bahay. Nagpakita sa dilim ang dalawang nilalang na nakakatakot ang itsura. Maputla ang kanilang mga kulay at kitang kita ang mga ugat nila sa buong katawan na kulay itim. Ang buong mga mata nila ay kulay itim at matutulis ang kanilang mga pangil. Naglalaway sila sa akin na animo’y isang masarap na pagkain ako. Papalapit ng papalapit sa akin ang dalawang Perilous.

I love my Vampire HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon